US WWII ship na natagpuan sa Pinas, itinuturing na ‘World’s Deepest Shipwreck’

June 26, 2022 @10:45 AM
Views:
1
MANILA, Philippines- Natagpuan ang isang US navy destroyer na lumubog noong World War II halos 23,000 talampakan sa ilalim ng dagat sa Pilipinas, na maituturing na âworld’s deepest shipwreckâ na nadiskubre, ayon sa American exploration team.
Lumubog ang USS Samuel B Roberts sa labanan sa central island ng Samar noong Oktubre 25, 1944 sa pakikipaglaban ng US forces upang mapalaya ang Pilipinasâ na nooây kolonya ng Estados Unidosâ mula sa pananakop ng mga Hapon.
Nakuhanan ng larawan ang battered hull ng “Sammy B” sa series of dives sa loob ng walong araw sa loob ng isang buwan, batay sa Texas-based undersea technology company na Caladan Oceanic.
“Resting at 6,895 meters, it is now the deepest shipwreck ever located and surveyed,” saad sa tweet ni Caladan Oceanic founder Victor Vescovo, na nanguna sa submersible. “This small ship took on the finest of the Japanese Navy, fighting them to the end.â
Base sa US Navy records, ang crew ng Sammy B “floated for nearly three days awaiting rescue, with many survivors perishing from wounds and shark attacks”. Sa 224 crew, 89 ang namatay.
Ang naturang labanan ay bahagi ng Battle of Leyte, sa pagitan ng US at Japanese forces na tumagal nang ilang araw. Isa ang Sammy B sa apat na US ships na lumubog sa October 25 engagement. RNT/SA
Raymond, nag-jowa reveal na!

June 26, 2022 @10:32 AM
Views:
12
Manila, Philippines- Just in time for pride month, ipinagsigawan lang naman ni Raymond Gutierrez sa Instagram world ang love of his life.
Ibinahagi ng host/actor/endorser ang ilang photos nila kung saan makikita sa first photo that they’re holding hands while walking. Sa second photo naman, ang inaabangan ng lahat, it’s a collage kung saan may kuha ang dalawa na magka-kiss.
Naka-tag sa post ni Raymond ang IG handle na @rob.williamm o Robert William, which people assume as his boyfriend’s name lalo’t nag-comment ito sa post niya ng “I love you”.
Umulan naman ito ng suporta sa comments section. Ilan ay mula sa kapwa nito celebrity like Bubbles Paraiso, Maja Salvador, Anne Curtis, at Janine Gutierrez.
Oh wait, even his twin Richard Guttierez left a comment saying, “Happy for you, Mond” with heart and hands up emoji.
Truly, it feels so happy to fall in love especially when you get the support from people who surround you at mukhang ito ang nararansan ngayon ni Raymond.
Happy Pride Month to all LGBTQIA+ members!
#LoveWins #LoveKnowsNoGender. Paula Jonabelle Ignacio
WHO: Monkeypox ‘di pa health emergency

June 26, 2022 @10:30 AM
Views:
14
LONDON – Hindi pa maituturing ang monkeypox na isang global health emergency, ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Sabado, bagamaât sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na labis siyang nababahala sa outbreak.
“I am deeply concerned about the monkeypox outbreak, this is clearly an evolving health threat that my colleagues and I in the WHO Secretariat are following extremely closely,” pahayag ni Tedros.
Sinabi ng WHO sa hiwalay na pahayag na bagamaât mayroong ibaât ibang opinyon sa committee, napagkasunduan nila na ang stage na ito ng outbreak ay hindi isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).
Ang “global emergency” label ay kasalukuyan lamang akma para sa coronavirus pandemic at at mga pagsisikap upang labanan ang polio, at tumanggi ang UN agency na i-apply ito sa monkeypox outbreak alinsunod sa payo sa pagpupulong ng international experts.
Batay sa WHO, mayroon nang mahigit 3,200 kumpirmadong kaso ng monkeypox at isang pagkasawi na naitala sa nakalipas na anim na linggo mula sa 48 bansa kung saan ito hindi karaniwang kumakalat.
Sa taong ito, 1,500 kaso at 70 pagkasawi ang naitala sa central Africa, kung saan karaniwan ang sakit, na karamihan ay sa Democratic Republic of Congo.
Ang monkeypox, na isang viral illness na nagdudulot ng flu-like symptoms at skin lesions, haay mas karaniwan sa mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki sa labas ng mga bansa kung saan ito endemic.
Mayroong mga bakuna at mga treatment para sa monkeypox, bagamaât limitado lamang ang suplay nito.
Ilang global health experts ang nagsabi na nagdadalawang-isip ang WHO na ideklara ito dulot ng January 2020 declaration sa bagong coronavirus bilang isang public health emergency na sinalubong ng pag-aalinlangan sa buong mundo.
Subalit ayon sa iba ay swak ito sa mga pamantayan upang matawag na emergency.
“It met all the criteria but they decided to punt on this momentous decision,” ani Gregg Gonsalves, isang associate professor of epidemiology sa Yale University. RNT/SA
AFP spox Zagala, incoming PSG chief?

June 26, 2022 @10:15 AM
Views:
17
MANILA, Philippines- Si Colonel Ramon Zagala, kasalukuyang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang diumano’y mamumuno sa Presidential Security Group (PSG).
Tungkulin ng PSG na tiyaking ligtas si President-elect Ferdinand Marcos Jr. at pamilya nito.
Sa ulat, sinabi ni Colonel Jorry Baclor, hepe ng AFP public affairs office (PAO), na wala pa silang natatanggap na kahit na anumang official appointment papers ni Zagala bagama’t kinumpirma naman nito na ang ‘eloquent military spokesperson’ ay sinabihan nang mag-report sa Malakanyang.
âI have no official confirmation. What I know is [Zagala] was already told to report to Malacanang for the transition,â ayon kay Baclor .
Sa hiwalay na panayam, tikom naman ang bibig at walang komento si Zagala sa usaping ito.
Subalit may isang source ang nagsabi na nagpaabot na ng pasasalamat si Zagala para sa kanyang appointment.
âIt was his colleagues at the PAO who confirmed it. I congratulated him [for the appointment] and he said âthank you,ââ ayon sa source.
Sa kabilang dako, magsisilbi rin si Zagala bilang âsenior military assistant to the Presidentâ kapag naupo na siya bilanjg PSG commander. Kris Jose
PH-China ties pinuri ni Andanar

June 26, 2022 @10:00 AM
Views:
16