Bahagi ng Ninoy Aquino Ave sa P’que, sarado sa Agosto 19-22

August 18, 2022 @12:01 PM
Views:
1
MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ng Parañaque Traffic Parking and Management Office (TPMO) sa mga motorista ang ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue mula Agosto 19 hanggang 22 upang bigyan ng daan ang konstruksyon ng Ninoy Aquino Station ng LRT I Cavite Extension Project.
Ayon sa Facebook page post ng Parañaque TPMO, ang northbound at southbound lanes ng Ninoy Aquino Ave. malapit sa near Imelda Bridge ay isasara sa mga motorist amula alas 8:00 ng gabi ng Agosto 19 at magtatagal ng hanggang alas 5:00 ng umaga ng Agosto 22.
Ang mga motorist na bibiyaheng northbound ay pinapayuhan na kumanan sa Old Sucat Road (harap ng SM Sucat) patungong C5 Extension Rd., Multinational, Ninoy Aquino Ave. (Duty Free); at kumaliwa sa Kabihasnan (Victor Medina St.), patungong Quirino Ave. o dili kaya ay Cavitex Coastal Road.
Pinayuhan naman ang mga motorista na bibiyahe patungong southbound na kumaliwa sa Multinational, patungong C5 Extension Rd., AMVEL, Ninoy Aquino Ave. (Airforce One/PCP Station 3); o dili kaya ay kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. patungong Old Sucat Road exit (Headquarters of Brgy. San Dionisio Hall), at mag U-turn sa Palanyag; dumaan sa Quirino Ave. patungong Kabihasnan (Victor Medina St.) at sa Ninoy Aquino Ave.
Kaugnay nito ay nagsagawa na ng ocular inspection si Parañaque TPMO head Reynaldo Murillo kasama ang ilang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Agosto 16 sa kahabaan ng Ninoy Aquino Ave. bilang preparasyon sa implementasyon ng pagsasara ng mga apektadong kalsada.
Samantala, inanunsyo naman ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na magpapatupad ng limang oras na power interruption ang Manila Electric Company (Meralco) sa darating din na Biyernes (Agosto 19).
Sa opisyal na Facebook page naman ng lokal na pamahalaan ay makikitang nakapaskil ang liham ni Meralco Parañaque maintenance team leader Erwin Cabarles na nag-aanunsyo ng limang oras na brownout mula alas 11:00 ng gabi ng Agosto 19 na magtatagal ng hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Agosto 20.
Ayon kay Cabarles, ang mga tauhan ng Meralco ay magsasagawa ng upgrading ng kanilang pasilidad sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Barangay San Dionisio sa lungsod kung saan kanilang papalitan ang kinakalawang na crosam pole pati na rin ang apektadong lugar na nasasakop ng 03600 circuit 42WU.
Pinayuhan naman ni Mayor Eric Olivarez ang mga maapektuhang residente sa lugar ng power interruption na maghanda at i-charge na ang lahat ng kanilang gadgets na kanilang maaaring gamitin sa panahon ng emergency. James I. Catapusan
ISIS member, 2 pa arestado sa Lanao

August 18, 2022 @11:48 AM
Views:
6
LANAO DEL SUR–ARESTADO ang tatlong terorista kanilang isang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), sa ginawang operasyon ng mga awtoridad noong Martes sa probinsyang ito.
Sa bisa ng search warrant sa paglabag sa Republic Act 1059 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nadakip ng mga tauhan ng CIDG at operatiba ng Marantao Police Station nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Mastura Disomala, 43, dating Barangay Chairman at dalawang kasama na sina Samen Mamasao, 23 at Moca Giambal, 25, pawang taga Marantao, Lanao Del Sur.
Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief Area Police Command-Western Mindanao, dakong 3:45AM nadakip ang mga suspek sa Barangay Palaw Rana-Ranao , Marantao, Lanao del Sur.
Nakuha mula sa mga suspek ang One unit M16 with Scope AFP Property Caliber 5.56 with SN. DL162793; One unit M16 Colt Cal. 5.56 with SN. 9051451; 1- M14 Rifle with SN. 420879; 1- Ingram Cal. 9mm with SN.152556; 1- Colt Officers ACP Cal. 45 with SN. 165471; 1- Hand Grenade; 1-magazine of Cal 5.56 rifle with 20 live Ammunition; 2-magazines of Cal. 7.56 rifle with 29 live Ammunition; 1 (magazine of Ingram 9mm with 13 live ammunition; at 1 magazine of Cal.45 with 7 live ammunition.
Sinabi pa ng pulisya, na si Disomala ay siya rin ang nagpapatakbo ng pribadong armadong grupong Dawlah Islamiya.
Pinuri naman ni PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin Jr., ang malaking operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo.
“We laud our detectives from CIDG and operatives from the Marantao Police Station for a job well done. The armed suspects may pose threat to the communities, notwithstanding reports tagging them as local terrorists. This is a major accomplishment in our fight against insurgency and terrorism but the quest to achieve peace and order continues and we will be relentless,” ani Azurin./Mary Anne Sapico
Bilyong pisong tenggang pondo, talupan-solon

August 18, 2022 @11:37 AM
Views:
10
Manila, Philippines – Ikinasa na rin ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang imbestigasyon sa milyong bakuna sa COVID-19 na hindi nagamit at tuwirang nag-expired.
Ang House Resolution No. 191 ay inihain ni Libanan upang udyukan ang House Committee on Health na siyasatin ang aniya’y “disturbing reports” sa nabanggit na mga bakuna.
Nakakalungkot aniya na sa ibang parte ng bansa ay patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng may COVID-19 at mga naglilitawang iba’t ibang variants ng virus ngunit merong mga ganitong insidente na dapat sana ay naiwasan.
Tinukoy pa ni Libanan sa resolusyon ang target ng DOH na magsagawa ng COVID-19 booster shots sa may 11 milyon hanggang 23 milyon fully vaccinated sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit lumutang aniya ang mga ulat na mula Abril hanggang July ng taong ito ay may apat na milyon hanggang 27 milyong “unused ang expired doses” na nagkahahalaga ng P5 bilyon hanggang P13 bilyon ang masasayang lamang o nakatakdang itapon.
“Whereas, while there is a tolerable level of vaccine wastage, such reported unused and expired COVID-19 shots worth billion of pesos are beyond the estimated figures of tolerable vaccine wastage.”
Naniniwala si Libanan na dapat aksyunan ng gobyerno kung paano nagkaroon ng pagkasayang at kung paano ito maiiwasan.
“To strive for reduced COVID-19 vaccine wastage, to accurately and transparently report vaccine wastage, to identify causes of wastage and to implement effective intervention to reduce it.” Meliza Maluntag
Single-use plastic bubuwisan ng DOF

August 18, 2022 @11:25 AM
Views:
12
MANILA, Philippines – Target ng gobyerno ang pagbubuwis sa single-use plastics.
Sinabi ni Finance Undersecretary Zeno Ronald Abenoja, prayoridad ng administrasyon na makamit ang layunin na “sustainable development goals” kabilang na ang commitments na may kinalaman sa Paris Agreement.
“The discussions, the engagement with our partners, with congressmen and senators, are ongoing right now,” ani Abenoja sa isang EJAP-SMC Economic Forum.
“This is something that the government will pursue and collaborate with our legislators, crafting something that balances the need to raise revenues but also at the same time influence the behavior in terms of some of the activities that affect the environment,” dagdag na pahayag nito.
Pabor naman ang Department of Trade and Industry (DTI) sa intensyon ng panukalang batas na buwisan ang single-use plastic.
Pero ipinayo ng ahensya sa publiko na magsanay nang gumamit ng reusable bags, habang ang mga kumpanya ay pinayuhang maghanap ng alternatibong packaging. Kris Jose
Pagsasabatas ng foreign digital service providers VAT umarangaka sa Kamara

August 18, 2022 @11:12 AM
Views:
19