Air quality sa MM, luminis dahil sa enhanced community quarantine

Air quality sa MM, luminis dahil sa enhanced community quarantine

March 25, 2020 @ 8:10 PM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) nahihirapan ang mga residente ng Metro Manila bunsod ng 2019  Corona Virus Disease (Covid-19) subalit naging maganda naman ang epekto nito sa kapaligiran dahil luminis ang hangin sa Kalakhang Maynila nitong mga nakalipas na araw.

 

Iniulat ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), base na rin sa naitalang lebel ng polusyon sa mga air quality monitoring stations sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

 

Nitong Marso 14, 2020, nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang community quarantine sa Metro Manila, na sinundan ng pagdedeklara ng enhanced community quarantine sa buong Luzon noong Marso 17 ng kasalukuyang taon.

 

Base sa kautusan, ipinagbawal sa publiko ang bumiyahe sa buong National Capital Region at bawal din ang mga tao sa lansangan bukod lamang sa mga front liners at mga naghahatid ng mga pangunahing serbisyo.

 

Sa ulat na inilabas ng Air Quality Information System ng DENR-Environment Management Bureau (EMB), bumaba ang konsentrasyon ng Particulate Matter (PM) sa air quality ng Metro Manila base na rin sa mga nakuhang datos sa air monitoring stations mula sa mga lungsod ng Las Pinas, Marikina, Muntinlupa at Paranaque.

 

Lumalabas sa datos, nitong Marso 22, 2020, ang 24-hour average level ng PM10 sa Las Pinas at Marikina ay bumaba sa 31.67 at 27.21 micrograms per normal cubic meter (ug/Ncm) mula sa 57.81 at 31.28 ug/Ncm noong Marso 9, 2020, base sa pagkakasunod. Ang katanggap-tanggap na“threshold standard level” ng PM 10 ay 60 ug/Ncm.

 

Ayon naman sa DENR Administrative Order No. 2013-13, ang katanggap-tanggap na limit ng PM 2.5 ay 50 ug/Ncm sa loob ng 24-oras average level kung short term, habang 35 ug/Ncm naman average level sa loob ng isang taon kapag long term.

 

Sa Muntinlupa naman at Paranaque, ang PM 2.5 level noong Marso 22, 2020 ay naitala sa 10.78 ug/Ncm at 14.29 ug/Ncm, ayon sa pagkakasunod, na mas higit na mababa sa nai-rekord noong Marso 10, 2020 na mayroong 28.75 at 27.23 ug/Ncm sa magkahiwalay na lungsod.

 

“We can see the drastic drop in numbers of PM 2.5 in Muntinlupa and Paranaque, and the drop in numbers of PM 10 in Las Pinas and Marikina. This explains why our sky now is clear and looks clean,” sabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda.

 

Ayon naman kay DENR Secretary Roy. A. Cimatu, ito ang naging isa sa epekto ng COVID-19 crisis. “The sudden stop of activities in many countries allows the earth to heal from environmental degradation. The major cause of climate change- air pollution, due mainly by mass transport energy emissions, is being abated. In the same way, there is lesser trash in public places because people are in strict home quarantine and restaurants are closed.”

 

Ang numerong 2.5 sa PM 2.5 ay tumutukoy sa diameter na nasa micrometers o micron na humahalo sa solid particles at liquid droplets sa ating atmosphere. Kapag ito ay nalanghap, maaari nitong maapektuhan ang ating puso at baga. Nagmumula ang PM 2.5 particles sa emission ng motor vehicles, fossil fuel power plants, pagsusunog ng kahoy at iba pa; habang ang PM 10 ay nanggagaling naman sa emission ng crushing at grinding ng mga makina at alikabok mula sa mga semento at maruming kalsada.

 

“The COVID-19 pandemic has brought to the fore, on a global scale, the realization that a country’s economic and socio-political pillars are underpinned by healthy environment,” dagdag pa ni USecAntiporda.

 

“With Secretary Roy A. Cimatu at the helm, the DENR shall remain steadfast in doing its avowed task of providing Filipinos with healthy environment, likewise, important updates on crucial environmental concerns, such as clean air,” ang pagtatapos ng Undersecretary. Santii Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...