Air Supply, balik-Pinas for a concert!

Air Supply, balik-Pinas for a concert!

October 13, 2022 @ 5:50 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Just like the other concerts na pinaka-aabangan ng mga Pinoy, kasado na rin ang concert ng Air Supply sa Pilipinas.

Inilabas na rin ang ticket prices nila for the concert na gaganapin this coming December 16 – 17 sa Resorts World Manila.

Platinum – Php11,000

SVIP – Php10,000

VIP – Php9,000

GOLD – Php7,500

SILVER – Php5,000

BRONZE – Php2,500

As usual, nagkagulo na naman ang mga netizens. Bukod kasi sa inaabangan ito, base sa comments section ay natuwa ang karamihan dahil hindi kasing-mahal nang inisip nila ang ticket prices.

Nagbigay pa nga ng comparison ang ilan, “Mas mahal pa ticket ng Eraserheads, ah!”

“Wow! Ang mura ng ticket hindi gaya ng Eheads!”

“Partida, international artist pa ‘yan!”

Hmmm. Ito ang unang araw ng ticket selling. Mukhang maso-sold out agad!

Takits, this December! Paula Jonabelle Ignacio