Air traffic management center ng CAAP ininspeksyon ng mga senador

Air traffic management center ng CAAP ininspeksyon ng mga senador

February 6, 2023 @ 3:49 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ininspeksyon ng mga senador ang air traffic management center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Pasay City nitong Lunes, Pebrero 6.

Kabilang sa mga ito ay sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senators Grace Poe, JV Ejercito, Ramon “Bong” Revilla Jr., Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher “Bong” Go, Robin Padilla, Raffy Tulfo, at Sherwin Gatchalian.

Matatandaan na noong Bagong Taon ay nagkaroon ng problema sa air traffic management system ng CAAP na nagresulta sa delay, canceled o diverted na mga flight na nakaapekto sa 65,000 pasahero.

Kasunod nito ay sinimulan ng Senate committee on public services, na hinahawak ni Poe, ang imbestigasyon sa naturang airport fiasco.

Para kay Poe, 100% responsable ang CAAP sa nangyaring aberya. RNT/JGC