Airbag para sa cellphone na laging nalalaglag, naimbento ng estudyante!

Airbag para sa cellphone na laging nalalaglag, naimbento ng estudyante!

October 10, 2018 @ 7:37 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa dinami-dami ng mga pagpipilian nag mga case na layuning maprotektahan ang mga mobile phone, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ito ng gasgas, basag o anumang damage sa oras na ito ay malaglag.

Dahil dito, isang German student na nagngangalang Philip Frenzel ang nag-imbeto ng isang solusyong tatapos sa kinatatakutang bangungot ng mga cellphone user na medyo ‘clumsy’.

 

Naimbento ni Frenzel ang tinawag niyang AD (active dampening) phone case. Ano nga bang espesyal sa phone case na ito? Mayroon lang naman itong sensor na nakaka-detect kung ang iyong phone ay nasa free-fall o sa madaling sabi ay nahuhulog. Sa oras na ma-detect ito ng sensor, maglalabas ng apat na spring ang phone case kaya naman ang cellphone ay tatalbog lamang kapag tumama sa lupa.

Mabisang solusyon ang AD phone case kung ang lalaglagan nito ay isang flat surface, gayunpaman, maaaring hindi nito mapigilan ang pagkakaroon ng gasgas o crack sa isang phone na mababagsak sa mga hindi pantay o makantong surface.

Ang imbensyong ito ni Frenzel ay hindi pa ‘for sale’ sa ngayon pero ito ay nakatanggap na ng award mula sa German Society of Mechatronics./Remate News Team