Airfare increase aarangkada sa Hulyo 1

Airfare increase aarangkada sa Hulyo 1

June 25, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tataas ang airfare ng mga biyahero simula Hulyo 1, sa patuloy na pagmahal ng operating costs ng maraming industriya, mula sa manufacturing hanggang transportation.

Ipinalabas ng Civil Aeronautics Board (CAB) nitong Miyerkules ang resolusyon na nagtataas sa fuel surcharge bracket sa level 11 para sa buwan ng Hulyo mula sa level 7 nitong Hunyo.

Nauna nang naghain ang local airlines ng aplikasyon sa implementasyon ng mas mataas na fuel surcharges upang saklawin ang pagtaas ng fuel expenses.

Ang fuel surcharges ay karagdagang fees na kino-kolekta ng mga airline cupang matulungan silang mabawi ang fuel costs. Bukod pa ito sa base fare, o ang aktwal na halaga na binabayaran ng pasahero sa pagsakay sa eroplano.

Sa ilalim ng level 11, papayagan ang airlines simula sa susunod na buwan na mangolekta ng fuel charges mula P355 hanggang P1,038 kada pasahero para sa domestic flights at P1,172.07 hanggang P8,714.84 para sa international flights. RNT/SA