Airline crew na nag-uwi ng agri products, ‘di kakasuhan ng BOC

Airline crew na nag-uwi ng agri products, ‘di kakasuhan ng BOC

January 19, 2023 @ 5:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Bureau of Customs nitong Huwebes, Enero 19 na hindi ito magsasampa ng kaso laban sa mga flight crew members na nahuling nag-uuwi ng mga hindi deklaradong agriculture products bilang pasalubong.

“Pagka doon naman sa pagkakaso, sa ngayon wala pong ganon,” ani BOC spokesperson and Customs Operation chief Arnaldo Dela Torre Jr. sa televised public briefing.

Matatandaan na noong Enero 10, 10 flight crew members ang nahuling may dala-dalang mga sibuyas, lemon at strawberry mula Riyadh, Saudi Arabia at Dubai, United Arab Emirates nang walang kaukulang permit.

Sa kabila nito, sinabi ng BOC na hindi ito magsasampa ng reklamo ngunit maaaring gumawa umano sila ng aksyon kaugnay sa ginawa ng mga crew.

Nauna nang sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI) na maaaring humarap sa disciplinary sanctions ang mga sangkot sa insidente.

“‘Yun pong legal na action na gagawin ng BOC at ng quarantine office ay with regards po doon sa behavior, doon sa pagkakataon o insidente na kung saan ay merong hindi magandang nangyari po. ‘Yun po yung legal na action,” ani Dela Torre. RNT/JGC