Airline ticket pa-Hong Kong ipinamigay

Airline ticket pa-Hong Kong ipinamigay

March 2, 2023 @ 12:12 PM 4 weeks ago


HONG KONG – Kasabay ng muling pagbubukas ng Hong Kong sa mas maraming turista matapos ang restriksyon dulot ng COVID-19, namigay ng libreng ticket ang ilang airlines patungo sa nasabing bansa.

Nitong Miyerkules, Marso 1, isa ang Hong Kong sa mga pinakahuling lugar sa mundo na mag-alis ng outdoor mask mandate, na sinabi ng pinuno ng lungsod na si John Lee na isang uri ng “resuming normalcy”.

Noong nakaraang taon ay bumagsak sa 600,000 ang bilang ng mga bumisita sa Hong Kong, o mas mababa ng 1% sa 2018 level nito.

Kaugnay ng anunsyo ng mas maluwag na restriksyon, inanunsyo rin ng Hong Kong-based carriers na Cathay Pacific at Hong Kong Airlines ang kanilang “Hello, Hong Kong” ticket giveaway.

Ayon sa Cathay Pacific, tinapos sa kaparehong araw ang pamimigay ng 17,400 round-trip tickets mula Thailand patungong Hong Kong, na naunang inanunsyong tatagal pa sana ng pitong araw.

May nakalaaan naman na 80,000 tickets para sa mga residente ng Hong Kong ang ipamimigay sa Hulyo. RNT/JGC