Airport arrivals ngayong ‘ber’ months tumaas – BI

Airport arrivals ngayong ‘ber’ months tumaas – BI

December 1, 2022 @ 7:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang bilang ng arrivals sa mga paliparan sa bansa ngayong ‘ber’ months kumpara sa tala nitong nakaraang taon, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes.

“Mula po noong ber months nakita po natin na tumataas po ito,” ani BI spokesperson Dana Sandoval sa televised public briefing.

Ayon sa kanya, ang bilang ng arrivals nitong Oktubre 2022 ay umabot sa halos 634,000, na mas mataas kumpara sa 195,000 naitala nitong Disyembre 2021.

Sinabi ni Sandoval na inaasahan na tataas pa ang bilang na ito na ito sa karaniwang peak tuwing Disyembre.

Iniugnay niya ito sa pagluluwag ng travel restrictions sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nitong Oktubre, sinabi ng Department of Tourism (DOT) na mahigit 1.8 million foreigners ang bumisita sa Pilipinas, na lampas sa pagtataya ng pamahalaan.

Inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na umabot ang tourist arrivals sa 1,827,603 hanggang nitong Oktubre 25. RNT/SA