Airport modernization may P2.5B pondo sa 2023

Airport modernization may P2.5B pondo sa 2023

September 8, 2022 @ 4:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P2.5 bilyong piso ang inilaan para gawing modernisado at makabago ang iba’t ibang paliparan sa bansa.

Makatutulong ito para makalikha ng mas maraming hanapbuhay sa Pilipinas.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, ang bigyan ang Department of Transportation (DOTr) ng kabuuang P2.5 bilyong piso para sa Aviation Infrastructure Program sa panukalang 2023 national budget ay alinsunod sa nilalayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang transportation infrastructure sa bansa.

“We fully support the directive of the President to give high priority to infrastructure development in our drive for growth and employment. Kasama po dito ang airports o mga paliparan sa bansa ,” ayon kay Pangandaman.

Sa ilalim ng panukalang 2023 National Expenditure Program (NEP), itinaas ng DBM ang budget ng DOTr sa P167.1 bilyong piso, mas mataas ng 120.4 % mula sa P75.8 bilyong piso na natanggap ng ahensiya ngayong taon.

Ang big-ticket railway at road transport projects ng DOTr ay makakukuha ng malaking tipak sa panukalang P167.1-billion budget para sa taong 2023, habang ang aviation modernization projects ay makatatanggap din ng “significant amount” ng budget.

Ang P2.48 bilyong inilaan para sa implementasyon ng Aviation Infrastructure Program ay gagamitin para sa “construction, rehabilitation, and improvement” ng iba’t ibang paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang airport projects ay kinabibilangan ng modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, Laoag International Airport, Tacloban City Airport, Antique Airport, at Bukidnon Airport.

Sinabi ni Pangandaman na ang panukalang budget ay gagamitin para sa rehabilitasyon at improvement ng ibang transport infrastructure projects sa aviation sector.

“With pouring much-needed budget to improve and modernize our airports, we help fulfill President Marcos’ directive to Build, Better, More,” ayon kay Pangandaman.

Makatatanggap naman ang Tacloban City Airport ng P1.42 billyong piso, o malaking bahagi ng panukalang budget para sa Aviation Infrastructure Program ng DOTr.

“Antique Airport, otherwise known as Evelio Javier Airport, would get P500 million, while Laoag International Airport would receive P445 million,” ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., vice chairperson ng House Appropriations Committee.

Sinabi ni Campos na ang Bukidnon Airport ay makatatanggap ng P80 milyong piso habang ang NAIA ay makatatanggap naman ng P40 milyong piso. Kris Jose