Airport personnel na masasangkot sa katiwalian, ipatatapon sa Mindanao

Airport personnel na masasangkot sa katiwalian, ipatatapon sa Mindanao

June 21, 2018 @ 8:31 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Ipatatapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  sa malalayong lalawigan lalo na sa Mindanao ang mga airport personnel kapag may nabalitaan umano siyang katiwalian na kinasasangkutan ng mga ito.

Sinabi ng Chief Executive na tuloy ang kanyang kampanya kontra sa korapsyon sa hanay ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan.

Binalaan naman nito ang mga tauhan sa mga paliparan na tigilan at iwasan ang  magparinig sa mga turista para manghingi ng tip.

Pinagbawalan din niya ang mga airport personnel na huwag pakialaman ang bagahe ng mga turistang pumapasok sa bansa.

Simula aniya ngayon ay tanging si Immigration Commissioner Jaime Morente lamang ang otorisadong mag-check sa mga bagahe ng mga turista.

Sapat naman umano ang x-ray machines sa mga airport para makita kung may mga iligal na kontrabandong dala ang mga pumapasok na turista sa bansa. (Kris Jose)