‘Airtight’ drug cases tiniyak ng NCRPO

‘Airtight’ drug cases tiniyak ng NCRPO

July 13, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nangako ang National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkules na palalakasin ang koordinasyon sa iba pang stakeholders para matiyak na airtight ang mga kaso laban sa mga suspek sa operasyon ng ilegal na droga.

Ito ay matapos mapansin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na maraming kaso ng droga ang nadi-dismiss dahil sa teknikalidad.

“For the campaign against illegal drugs or what PNP (Philippine National Police) Officer in Charge Lt. Gen. (Vicente) Danao calls a ‘drug war’, the NCRPO will continue its intensified operations in Metro Manila at any time of the day with proper coordination with the (Philippine Drug Enforcement Agency) PDEA (primary agency), barangay authorities/elected officials, media personalities and DOJ (Department of Justice) representatives in order to ensure round-the-clock availability of witnesses during evidence inventory,” sinabi ni NCRPO Chief, Maj. Gen. Felipe Natividad sa isang pahayag.

Aniya, ang panibagong diskarte na ito ay nakatuon sa isang kapuna-punang “demand reduction” sa iligal na droga.

Inutusan din niya ang Regional Investigation and Detective Management na suriin ang conviction rate sa mga kaso ng iligal na droga dahil ilan sa mga ito ay na-dismiss dahil sa kakulangan ng mga testigo o ang mga suspek ay pinalaya para sa karagdagang imbestigasyon.

Samantala, sinabi ni Natividad na palalakasin din ng NCRPO ang paglaban sa cybercrime dahil inilipat ng mga kriminal ang kanilang aktibidad sa social media at digital platforms.

Aniya, i-maximize ang information dissemination para maiwasang mabiktima ang publiko.

Ang mga kurso sa pagsasanay at seminar ay isasagawa para sa mga opisyal ng pulisya na naatasang maghatid ng impormasyon sa publiko o makitungo sa mga cybercriminal.

Hinimok din ni Natividad ang lahat ng district director at chief of police na paigtingin ang crackdown laban sa ilegal na paggamit ng mga sirena at blinker sa lahat ng checkpoints at patrol operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden