AJ, Aljur pinutakte ng bashers sa pag-amin sa real score; tsismis na baby hinahanap

AJ, Aljur pinutakte ng bashers sa pag-amin sa real score; tsismis na baby hinahanap

February 16, 2023 @ 7:52 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Pa-Valentine`s Day yata nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa kanilang mga supporters ang ipinost na photo ng sexy actress kung saan magkasama sila sa beach.

Hindi lang malinaw kung nag-beach sila nung mismong Valentine`s Day dahil sa Instagram account ni Aljur, ang nakalagay ay three days ago pa sila nasa beach.

Kaya ayun, na-triggerr na naman ang mga basher sa caption ni AJ sa photo nila ni Aljur na magka-holding hands na nakatalikod habang nasa beach.

Ang caption ni AJ ay, “I`ll  always  give you all the love I have in my heart and love you  unconditionally.”

May mga natuwa pero may mga panira sa moment dahil hinahanap ang baby daw nila na sana ay i-flex din daw nila.

Tila nandiyan pa rin ang mga tao na may galit kay AJ na kung anu-ano ang itinatawag sa kanya.

Ang maganda ay walang pakialam si AJ sa kanyang mga bashers dahil ang importante ay masaya siya na hindi maibibigay ninuman. Gerry Ocampo