AJ at Aljur, spotted sa hotel sa Leyte!

AJ at Aljur, spotted sa hotel sa Leyte!

February 15, 2022 @ 2:59 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Kapag Valentine’s day, marami raw nabubuking at nagkakahulihan!

Speaking of buking, mukhang buking na dating pa rin sina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Kaliwa’t kanang bash tuloy ang natatanggap na naman ng sexy star dahil matatandaang nitong nakalipas na mga linggo lamang ay nag-anunsyo ito sa kanyang social media accounts na “self love” muna ang paiiralin niya.

“Self love no more agad?!” pang-aasar ng netizens dahil kalat ngayon sa social media ang pictures ni AJ at Aljur sa isang hotel sa Leyte.

Bukod dito, may picture kasi ang dalawa kasama ang manager ng hotel kung saan sila napabalitang nag-check in.

“Cheers to Aljur Abrenica and AJ Raval,” caption ng manager sa photo nito kasama ang ‘couple’.

As usual, binanatan na naman ng netizens ng words na “kabit” at “home wrecker” si AJ.

Happy Valentine’s day nga ba dahil okay na ulit ang dalawa at tapos na ang self love season ni AJ?

May isang nagtanggol and said, “Awat na guys, baka may bagong movie?”

Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio