AJ, bet makasama si Jeric at mga kapatid sa action movie!

AJ, bet makasama si Jeric at mga kapatid sa action movie!

August 28, 2022 @ 9:04 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Pinasok na rin ng mga kapatid na lalake ni AJ Raval ang pag-aartista.

Katunayan, ilan sa kanila ay join sa pelikulang “Sitio Diablo” tulad ng brother niyang si Ace Raval na kasama sa nasabing obra ni Direk Roman Perez, Jr.

Into music naman ang dalawang kapatid ni AJ na bet ding subukan ang pag-arte.

Ang kanilang bunso naman ay gusto pang sanayin ang kanyang boses at bet ding ihanda ang sarili sa pagpasok sa show business.

Sey naman ni AJ, suportado niya ang pag-aartista ng kanyang mga kapatid.

“Siyempre po, kung anuman po ang narating ko, gustong kong marating din nila. Ma-experience din nila,” aniya.

Hirit pa niya, payo raw niya sa kanyang mga kapatid na magpakabait at seryosohin ang pag-aartista kung ito ang larangang pipiliin nila.

Malaking bagay din daw ang maging propesyonal pagdating sa pagpasok sa local Tinseltown.

Ayon pa kay AJ, pangarap daw niyang makagawa sila ng action movie kasama ang kanyang tatay na si Jeric Raval at mga kapatid na lalake.

Para naman sa kanyang dad na si Jeric, bet niyang isang wholesome movie na ala “Seven Sundays” ang gawin nila kung sakaling mabibigyan sila ng pagkakataon na magkasama-sama sa isang proyekto.

Si AJ ay mapapanood sa Sitio Diablo na  kuwento ng tunggalian ng dalawang gang sa kanilang paghahari-harian sa magulong kagubatan ng lungsod.

Ito ang maituturing na pinaka-astig na pelikulang nagawa ni AJ.

Pinagbibidahan din ito nina Kiko Estrada at Benz Sangalang.

Kasama rin sa pelikula sina Joko Diaz, Ruby Ruiz, Azi Acosta, Karl Aquino, Pio Balbuena, Cean Jr., Ace Raval, Massimo Scofield, Shiena Yu, Just Hush, Because at marami pang iba.

Mapapanood na ang pelikula sa Vivamax. Archie Liao