AJ, kumasa sa challenge, nag-live sa IG!

AJ, kumasa sa challenge, nag-live sa IG!

July 31, 2022 @ 1:21 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Mukhang hinto muna ang mga Marites at basher sa pagpulutan kay AJ Raval.

Matapos kasi ang chika ni Cristy Fermin na sigurado itong buntis ang sexy star, naglabas ng proof si AJ na mali ang kumakalat na balita.

Nag-live ito sa Instagram as requested by her followers.

Maliban sa pagla-live, pinaalalahanan nito ang mga tagasubaybay niya na huwag paniwalaan ang mga sabi-sabi na buntis siya.

“‘Wag na kayong magpaniwala sa chismis,” saad nito.

Matatandaang bago mag-live ang aktres, nagpost muna ito ng bikini photo to prove that she is not pregnant pero hindi ito bumenta sa netizens dahil pwedeng old picture lang daw niya ito.

Kaya naman wala itong nagawa kundi pagbigyan ang mga request sa kanya na mag-live.

Well, mukhang hindi pa rin naman siya pinaniniwalaan dahil kalat pa rin sa comments section ang duda.

“Hindi naman agad lalaki ang tiyan lalo na kapag first baby. After ilang months ka mag-live,” saad ng mga hindi naniniwala kay AJ.

Matatandaang bago pa ianunsyo ni Cristy na buntis ang sexy star, naging usap-usapan na rin ito sa social media matapos huminto at palitan si AJ sa ilang sexy films na gagampanan niya sana.

Hmmm. Buntis ba talaga or not? Let’s wait for a couple of weeks pa, sabi ng bashers. Lol. Paula Jonabelle Ignacio