AJ, nag-e-enjoy sa isyu!

AJ, nag-e-enjoy sa isyu!

March 25, 2022 @ 1:45 PM 3 months ago


Manila, Philippines – “Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na sex video. Pero naeskandalo na rin po ako sa mga issue before at para sa akin, f*ck them all! Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings.”

Yes!

‘Yan ang pahayag ni AJ Raval sa mediacon ng Vivamax original series Islandalo nang tinanong siya about sa sandamakmak na mga issues na ibinabato sa kanya.

Palaban si AJ at sinabi niyang masaya siya na pinag-uusapan siya because of issues and scandals.

“Honestly, parang nae-enjoy ko rin po ‘yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan ‘yung career ko,” sabi ng sexy star.

Kasama ni AJ sa Vivamax original series na Iskandalo sina Ayanna Misola, Angela Morena, Sean de Guzman, Cindy Miranda, Francis Magundayao, at Jay Manalo. Mapapanood ito sa Vivamax starting April 10, 2022.

Iskandalo is helmed by direk Roman Perez Jr. JP Ignacio