AJ, nag-post mg sexy pic sa IG, naghamon!

AJ, nag-post mg sexy pic sa IG, naghamon!

November 30, 2022 @ 9:26 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Patanong naming iniulat dito sa Remate Online kung nanganak nga ba si AJ Raval.

Base ito sa pinaksa ni Ogie Diaz sa kanyang vlog noong November 19 nang madaling araw at sinabing nagsilang ang Viva artist sa isang payak na ospital sa Pasig City.

Alvarez daw ang nirehistro nitong pangalan na apelyido ng kanyang ina at hindi Raval.

To lend credence to the story, ibinalita pa ni Ogie na sa hospital room lang nanganak si AJ, hindi sa operating room ng pagamutan.

Dagdag impormasyon pa ni Ogie, nasa parking lot lang daw ang rumored boyfriend nitong si Aljur Abrenica.

Nasa loob lang daw ito ng kanyang sasakyan, and to avoid being recognized ay nagsuot ito ng face mask.

Dahil dito’y may sagot agad si AJ.

On her Instagram account, nagpost siya ng litratong litaw ang kanyang patag na tiyan.

With her ay ang dalawang taong katulong niya sa paglilinis ng bahay.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen.

‘Yung iba’y kinukwestyon kung kailan kuha ang picture, implying that it could have been taken prior to her alleged pregnancy.

‘Yung iba nama’y tanggap ang kundisyon ni AJ.

Bilib pa nga ang mga ito kung paanong nakuhang itago ni AJ ang kanyang kalagayan given her sexy figure.

Sa post ni AJ ay maraming netizens ang nagsasabi na parang naghahamon si AJ na patunayan kung siya ay totoong nanganak. Ronnie Carrasco III