AJ, nagsalita na sa sa isyung nanganak na!

AJ, nagsalita na sa sa isyung nanganak na!

December 4, 2022 @ 7:50 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Viral ang convo ng bagong Pantasya ng Bayan na si AJ Raval at ng social media personality na si Senyora. Ang kanilang pinag-usapan ay ang tungkol sa isyung diumano’y nanganak na si AJ sa isang ospital sa Pasig City.

Ipinost ng social media personality ang photo nina AJ at ng kanyang rumored bf na si Aljur Abrenica at ang balitang panganganak daw ng young sexy actress, maging ang convo nila sa DM.

Hirit ni Senyora, “Akala ko ba, AJ, tuta lang ‘yun? Ano yung mga sinasabi nila? Haaay, naglilihim ka na sa akin,” na sinagot naman ni AJ ng, “Surprise” at “Hahaha.”

Maging ang ultrasond result ay ipinost din ni Senyora, pero natawa si AJ dahil mukha ng aso ang makikita.

Hirit pa ni Senyora, “Haaay, akala ko, wala tayong secret sa isa`t-isa,” na sinagot uli ni AJ ng, “Si**lo mga yan, hahaha! Nanahimik ako dito.”

Sumagot si Senyora ng, “Haaay `di ko na alam sa`n maniniwala.”

Nag-comment pa si Senyora na, “Haaay, reregaluhan ko pa naman sana si AJ nito at haaay gusto ko pa naman mag-ninang.”

Sa kainitan ng balitang nanganak na nga raw si AJ ay nag-post ito ng larawan na naglilinis ng kanyang condo. Sa larawan makikita ang kabuuang porma at hitsura ng kanyang katawan para siguro ipakita sa mga Marites na hindi siya nanganak.

Noong isang araw naman ay bumisita siya sa office ng Viva Entertainment kasama ang manager na si Jojo Veloso kung saan makikita ang porma ng katawan ni AJ sa suot niyang tops at naka-jacket. Pero mayroon pa ring nag-comment na baka mabinat siya.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung ano ba talaga ang katotohanan.

Sabagay sa showbiz naman ay walang naililihim. Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa bandang huli. Gerry Ocampo