AJ, nanganak na?

November 28, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Wari’y pinaninindigan ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz na totoong nanganak na si AJ Raval.

Base ito sa impormasyong nakalap ni Ogie mula sa kanyang source.

Ito ang pinaksa ni Ogie kasama ng kanyang mga co-hosts on his vlog sa kanyang YouTube channel.

Binanggit ni Ogie ang petsang November 19 kung kailan isinugod diumano si AJ sa isang payak na ospital sa Pasig City.

Hindi raw ito nagluwal sa operating room ng pagamutan kundi ni-room lang.

Hindi rin daw AJ Raval ang inirehistrong pangalan nito kundi AJ Alvarez.

Ang Alvarez ay apelyido ng ina ng sexy actress, samantalang ang Raval ay mula sa ama niyang action star na si Jeric.

Outside the hospital daw naroon ang rumored boyfriend ni AJ na si Aljur Abrenica.

Nakaabang lang daw ito sa loob ng kanyang sasakyan.

Para magmukhang incognito o hindi raw mamukhaan si Aljur ay naka-face mask ito.

Napagtanto lang daw ng ilang saksi roon na si Aljur ‘yon nang sandaling hubarin nito ang suot na face mask.

Positibo ang mga saksi na si Aljur ang namataan nila dahil sa tattoo nito sa dibdib.

Hindi lang ito ang unang beses na napabalitang nagbuntis at nanganak si AJ.

At itinanggi na niya ito.

Sinegundahan naman siya ng ama sa pagsasabing walang katotohanan ang tsismis.

For her part, kagyat ding nagpost si AJ sa kanyang social media account ng mga litratong naka-swimsuit siya kuha sa beach showing no trace she got pregnant or delivered a baby.

Your turn to speak up again, AJ! Ronnie Carrasco III