AJ Raval, apektado sa love scene nila ni Sean de Guzman!

AJ Raval, apektado sa love scene nila ni Sean de Guzman!

January 12, 2022 @ 9:31 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Mabilis ang pagsikat ng sexy star na si AJ Raval. Kasabay ng sunod-sunod na kontrobersiya ay sunod-sunod din naman ang kanyang mga projects sa Viva.

Ask namin, hindi ba siya nalulula sa bilis ng takbo ng kanyang career ngayon kung ikukumpara sa iba na sa gitna ng pandemic ay walang mga projects?

“Honestly, nagugulat nga po ako sa nangyayari sa career ko pero pinagpapasalamat ko sa Diyos ang lahat dahil blessing po ito sa akin.

“But also, it’s sad na ‘yung ibang mga kasamahan sa industry, e, nabawasan ng work load. Let’s all pray na mawala na sana ang pandemic para mag-back to normal na po ang lahat lalo na sa entertainment industry.

“Regarding naman sa mga issues po, nu’ng una, medyo apektado po ako pero ngayon, sanay na po ako and pinagpe-pray ko na lang po ‘yung mga gumagawa ng isyu saka ‘yung mga bashers,” explain ni AJ.

Sa ngayon ay busy sj AJ sa pag-promote ng  kanyang bagong project si Vivamax, ang ‘Hugas,” helmed by Roman Perez, Jr.

AJ gives life to the role of Liezl, isang probinsiyana na ipinasok ng kanyang tiyuhin (Soliman Cruz) sa isang sindikato na pinamumunuan ni Boss Dencio (Jay Manalo).  Nagagawang maigi ni Liezl ang anumang iutos sa kanya, ngunit nang ikasal siya ay gusto na niyang kumawala sa sindikato.

Kasama ni AJ ang sktor na si Sean de Guzman, at may maiinit na eksena sila sa pelikula na siguradong ikatutuwa ng mga anak ni Adan. Ito ang ikatlong beses na nagkatrabaho sina AJ at Sean.

“Magaling si Sean. Kung hindi ko lang tropa si Sean, malamang, nadala na ako sa mga love scenes namin, ” sabi pa niya sabay tawa!

Ang romantic crime movie na ito ay ipalalabas sa Enero 14, 2022. At para mapanood ang “Hugas”, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. JP Ignacio