Ajido ambassador ng FINIS

Ajido ambassador ng FINIS

October 27, 2022 @ 7:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang programa ng FINIS Philippines hindi lamang sa pagsasagawa ng mga  mala-internasyonal na kompetisyon bagkus ang pagpapatag sa propesyon ng swimming coach sa bansa.

Ipinahayag ni FINIS Managing Director Vince Garcia na tatapusin ng kumpanya ang inorganisang swimming competition ngayong taon sa isasagawang National Long Course Swimming Competitions Series.

Ayon kay Garcia ang mga batang manlalangoy mula sa Visayas ang unang makakaranas ng de-kalidad na kompetisyon sa gaganaping Visayas leg sa Iloilo Sports Complex Swimming Pool sa Iloilo Citysa Nobyembre 5-6.

Ang junior standout at isa sa mga ambassador ng FINIS na si Kyla Soquillon ng Malay, Aklan ay inaasahang mangunguna sa mga kalahok na makikipagtagisan ng husay at galin para sa pagkakataong mangibabaw at mapabilang sa FINIS high-profile line-up ng mga brand ambassador.

“Nagawa namin ito sa aming nakaraang short course meet, tiwala ako na gagawin namin itong mas malaki at mas organisado habang patuloy naming binibigyang inspirasyon ang mga batang Filipino na manlalangoy sa pamamagitan ng mga de-kalidad na kompetisyon,” sabi ni Garcia, isang aktibong triathlete at ‘Godfather’ sa TODO Para-athletes team.

Ang Mindanao leg ay nakatakda sa Nobyembre 12-13 sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex Swimming Pool sa Zamboanga, habang ang Luzon Leg ay nakatakda sa Nobyembre 26-27 sa New Clark City Aquatic Center sa Capas Tarlac.

Sinabi ni Garcia na para sa Visayas at Mindanao entry forms at info kits, ang mga interesadong indibidwal, paaralan, swimming club at organisasyon ay pinapayuhan na magpadala ng mga entry sa events@finis.ph; leigh_sanchez07@yahoo.com; at renolddutchilla_1877@yahoo.com.ph.

 Habang, para sa Luzon Leg entry forms at info kit ay available sa events@finis.ph; coachrichardluna@gmail.com; (cc: ricpolo12@yahoo.com).

 Ibinunyag ni Garcia na ang pinakamahuhusay  na manlalangoy mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ay magsasagupa para sa FINIS National Titles sa Disyembre 17-18 sa New Clark City Aquatic Center kung saan naghihintay ang mga kapana-panabik na na papremyo sa Top 3 Swim Teams at Most Outstanding Swimmers.

 “Sa National Finals tiyak na lalong kapana-panabik ang mga laban dahil pagsasamahin natin ang lahat ng nag-top sa kani-kanilang event mula sa tatlong leg para malaman natin kung saan magmumula ang pinakamahuhusay na swimmers,” sambit ni Garcia.

Umaasa si Garcia na marami pang batang swimmers ang kanilang matutuklasan at maisasama sa FINIS ‘Champions of Ambassadors’. Sa kasalukuyan, napasama kina  Soquillon at World Junior semifinalist Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh, si National junior record holder Jamesray Ajido bilang brand Ambassador.

 Tangan ng 13-anyos na si Ajido ang  national junior record in 100-m Fly (58.82), 200-m Individual Medley (2:15.87), 400-IM (4:58.71), 200-m Back (2:17.09), 50- Fly (26.95) and 100- Back (1:03.28) he set during the Philippine Swimming Inc. (PSI) Grand Prix and Asian age-group selection series this year.

Iginiit ni Garcia na hindi lamang swimming ang itinataguyod ng FINIS bagkus pati ang kids tirtahlon, duantlon, open water swimming at coaches education program.

Sa kasalukuyan, isinasagawa ng FINIS sa pakikipagtulungan ng American Swimming Coaches Association (ASCA), ang face-to-face Coaches Certificate seminars para sa  Level 1-4, sa pangangasiwa ni ASCA Director for International Clinics Chad Onken sa Arcopolis Green Sports Complex Clubhouse.

 “This is our way to help professionalized coaching in the country. Yung mga schools at swimming clubs, siyempre mas gusto nilang coach yung may malawak na kaalaman hindi lamang sa experience,” said Gacia.RICO NAVARRO