Akbayan hinamon ang Makabayan bloc na kondenahin ang pang-aabuso ng NPA



Akbayan hinamon ang Makabayan bloc na kondenahin ang pang-aabuso ng NPA

June 11, 2021 @ 7:43 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinamon ng Akabayan Partylist ang Makabayan bloc na kondenahin ang lahat ng kalupitan at pang-aabuso ng New People’s Army (NPA).

“While the Makabayan bloc’s condemnation of the NPA’s killing of civilians in Masbate is a welcome respite to its long silence at the armed group’s violence and impunity, it should denounce all the atrocities and abuses the NPA has committed against the public, including its extortion activities, recruitment of child soldiers, and the assassinations and threats of violence against progressive leaders and organizations,” giit ni Akbayan Spokesperson Dr. RJ Naguit.

Ito ay matapos ang bihirang pahayag ng Makabayan bloc na pagkondena sa pagkamatay nina Kieth Absalon, isang football player ng Far Eastern University, at pinsan nitong si SENTRO trade union leader Nolven Absalon.

Punto ng Akbayan na tila pinupuri ng grupo ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa pag-ako nito sa pagkamatay ng dalawang biktima matapos masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebelde.

“The Makabayan bloc cannot condemn a single act of violence because of strong public backlash, and ignore the rest of the NPA’s crimes because they don’t land on today’s front page. Selective condemnation is permission,” ani Naguit.

Inalmhan din ng Akbayan ang pagrekomenda ng Makabayan bloc na maghain ng reklamo sa Joint Monitoring Committee ukol sa insidente.

“The Makabayan bloc owes this to the people who are sick and tired of the NPA’s impunity. Justice is only truly revolutionary when it is enjoyed by all. If it only belongs to a few, the bloc’s so-called ‘condemnation’ of the NPA remains a shallow and opportunistic gesture. Much like the apology the NPA issued on the killing of civilians in Masbate,” ani Naguit.

Nais din ng Akbayan na tuligsain ng grupo ang 2005 hit list ng CPP-NPA laban sa progressive leaders na tinawag na “class enemies.”

Kasama sa listahan sina dating Commission on Human Rights chairperson at Akbayan chair emeritus Etta Rosales.

Pinakokondena rin ng political party sa Makabayan bloc ang pangingikil ng NPA kung saan nangongolekta ng permit-to-campaign (PTC) fees tuwing eleksyon at ang “revolutionary tax” sa mga negosyo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •