Akbayan vs BBM hearing isasapubliko ng Comelec sa Facebook

Akbayan vs BBM hearing isasapubliko ng Comelec sa Facebook

January 4, 2022 @ 2:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ipapalabas ng First Division of the Commission on Elections (Comelec) nang live ang preliminary conference sa disqualification petition ng Akbayan laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Biyernes.

“Jan 7 at 9 a.m. will be on @Comelec FB livestream and on my public page Rowena V Guanzon,” anunsyo ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Twitter nitong Martes.

Aniya, ito ang unang pagdinig na ila-livestream.

Ipinaliwanag ni Guanzon na isasapubliko ang pagdinig upang “the public will know that we will be fair and will base our decision on law and evidence.”

Dagdag niya, tatanggapin ang media sa loob lamang ng limang minuto.

Nitong Lunes, nagbabala ang opisyal sa sinumang manggagambala sa pagdinig, sa kanya o sa Commissioner, na ikukulong sa Manila Jail sa loob ng 48 oras. 

Isasagawa ang preliminary conference ng Marcos DQ case sa Comelec session hall sa Intramuros, Manila.

Bahagi si Guanzon ng Comelec First Division na humahawak sa disqualification cases laban kay Marcos Jr. Na inihain nina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen at ng Akbayan. RNT/SA