Aklan gov’t: COVID-19 testing kailangan pa rin sa Boracay tourists

Aklan gov’t: COVID-19 testing kailangan pa rin sa Boracay tourists

July 8, 2021 @ 7:06 AM 1 year ago


Aklan, Philippines — Nilinaw ng provincial government ng Aklan na ang mga papasyal at bibisita sa Boracay ay nangangailangan pa ring magsumite ng negatibong swab test para sa COVID-19 kahit pa sila ay fully-vaccinated na.

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, ikokonsidera lamang ng local government ang exemption sa turistang fully vaccinated na kung mayroong reliable vaccine validation system ang nakatakda.

 “We decided that until such time, that there is a uniformity or a validated vaccination card, we will wait for the meantime, once that is available, then we will also follow those guidelines,” saad ni Miraflores sa press briefing sa Malay, Aklan.

“It’s just a generic card that is issued by vaccination sites.”

 “We can do that even before the [vaccination rate] target once we have a system of validation, yung lang naman ang hinahanap namin eh, (that’s all we are looking for) so we can be protected from those who fake their vaccination cards,” paliwanag pa nito.

Maaalalang inanunsyo ng Baguio na hindi na kakailanganin ng COVID test result ang mga turistang fully vaccinated na.  RNT/FGDC