Ako ang P4P king – Crawford

Ako ang P4P king – Crawford

August 9, 2022 @ 3:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumalag si three-division world champion Terence Crawford sa naglabasang report na hindi umano siya ang kinikilalang pound-for-pound king sa buong mundo.

Ayon sa ulat, lumutang ang pangalan nina Japanese superstar Naoya Inoue na huling pinabagsak ang Pinoy boxing star na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire bilang number one.

Pumangalawa naman ang sikat na Mexican boxer Canelo Alvarez.

Tahasang kinontra ito ni American undefeated champion Crawford at giit niya, bagama’t mga pambihira ang mga naging laban nina Inoue at Alvarez, para sa kanya siya raw ang numero uno sa listahan ng pound-for-pound king.

“Kahit pa tanungin ang mga fan ng boxing ay siya ang ituturong nuber one” ani Crawford.

Huling nakalaban ni Crawford si Shawn Porter na nagtapos sa technical knockout win.

Kasalukuyang ikinakasa ang laban ni Crawford ang posibleng superfight nila ni three time welterweight champion Errol Spence na umano’y gagawa ng bagong bagong kasaysayan.JC