AKOOFW suportado ng OFWs sa Isabela, Cagayan

AKOOFW suportado ng OFWs sa Isabela, Cagayan

January 11, 2022 @ 12:41 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pormal nang ipinabatid ng mga overseas Filipino workers at kanilang gma pamilya sa Isabela at Cagayan ang kanilang pagsuporta sa adbokasiya ng AKOOFW Partylist.

Matapos na masiguro ag pagsunod sa health protocols ay sabayan na nanumpa ang mga officer, leader at mga miyembro ng #10 AKOFW Partylistng bawat barangay at munisipyo.

Pinamunuan ni Region 2 Chairman Rey Gayagoy Ferrer ang pagtanggap ng tungkulin kasama si Region 2 Campaign Manager Ynetsed Naclip.

Kabilang sa mga dumayo sa FLD Coliseum sa Cauayan, Isabela sina #10 AKOFW Partylist mominees Dr. Chie Umandap, Coco Naik , Nald Santos at Efren Cadiz.

Matagumpay at dinumog ng mga OFW at pamilyang OFW ang nasabing pagtitipon na inorganisa ni Regional Membership Chairperson Cherelyn Delacruz Agustin. RNT