AKRHO INDANG MUNICIPAL COUNCIL NAGDAOS NG 12TH FOUNDING ANNIV

AKRHO INDANG MUNICIPAL COUNCIL NAGDAOS NG 12TH FOUNDING ANNIV

January 31, 2022 @ 11:20 AM 8 months ago


MATAGUMPAY na naidaos ng Alpha Kappa Rho Indang Municipal Council sa pamumuno nina Chairman Cigred Loyd Talingdan at Vice Chairman Billy Jay Sarical at mga kasamahang Skeptron officers and members ang 12th Year Founding Anniversary ng kapatiran noong Disyembre 19, 2021.

Nagsimula ang selebrasyon sa isang motorcade mula sa Cavite State University at dumaan sa mga pangunahing lansangan ng Poblacion Indang maging sa mga barangay na may chapter gaya sa  Binambangan, Calumpang, Tambo, Lumampong, Daine at Banaba.

Sa Banaba Lejos Covered Court naman isinagawa ang programa ng selebrasyon kagaya ng pagsasalita ng mga bisita; awarding ng good standing chapters, officers & members; raffles, parlor games at salu-salo.

Ilan naman sa mga bisita na dumating at nagbigay ng mensahe ay sina Banaba Lejos Brgy. Capt. Hon. Bert Cruto, mga kasalukuyang Konsehal ng Bayan ng Indang na muling kumakandidato na sina Hon. Issel Romea Borja, Hon. Ferdie Papa, Hon. Buryo Rodil, Hon. Ave Kasaysayan, Hon. Resty Vejerano, ABC President Hon. Nilo Telmo, Brgy. Capt. Hon. Onad Bernarte mula sa Partido Magdalo; ganoon din ang iba pang mga kumakandidatong independent na sina Mam Joyce Espineli, Mam Daisy Bautista, Kagawad Hon. Mario Crizaldo at Journalist Rex Del Rosario na isa ring Skeptron o AKRHO sa Indang.

Samantala, nakiisa rin sa anibersaryo at nagbigay ng kan

yang solidarity message si Kagawad Ka Andres Miranda na isa namang Triskelion o mula sa kapatirang Tau Gamma Phi. Ito ay magandang panimula sa hinaharap na panahon na magkaroon ng matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng kapatiran sa bayan ng Indang.

Ang AKRHO – Indang Municipal Council ay nakilala sa bayan ng Indang, Cavite sa pamamagitan ng aktibong pagtulong sa barangay at komunidad sa pamamagitan ng mga programa at proyektong kanilang isinasagawa katulad ng pamimigay ng ayudang bigas at de lata sa mahihirap na pamilya, school supplies sa mga kabataang mag-aaral, toys and candies sa mga bata, at pagsasagawa ng  community services.