Aksidente sa military vehicle paiimbestigahan ng AFP

Aksidente sa military vehicle paiimbestigahan ng AFP

October 19, 2022 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng Philippine Army ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring aksidente sangkot ang isang military vehicle at cement mixer sa Masbate na kumitil ng buhay ng walong sundalo.

Ito ang sinabi ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines sa isang statement nitong Martes, Oktubre 19.

“All the necessary support to their dependents to help them get through this difficult time,” dagdag ni Aguilar.

Matatandaan na noong Linggo, Oktubre 16 ay bumanga ang isang KM450 military vehicle sakay ang 14 na sundalo sa isang cement truck mixer sa Barangay Buenasuerte, Uson, Masbate.

“They were on their way to their temporary patrol base in Brgy. Paguihaman when their military truck unexpectedly flipped over and crashed into a parked cement mixer,” ayon pa sa Army.

Sumabog ang gulong sa likod dahilan upang mawalan ng kontrol ang military vehicle.

Maliban sa walong kumpirmadong nasawi, mayroong anim na iba pang nasaktan.

Isa sa mga ito ang kritikal na nananatili sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital. RNT/JGC