Aksidente sa Saudi, 2 Pinoy patay 

Aksidente sa Saudi, 2 Pinoy patay 

June 21, 2018 @ 8:27 PM 4 years ago


 

Saudi Arabia – Dalawang Pinoy ang namatay habang may tatlo pa ang nasugatan matapos ang aksidente sa kalsada sa Saudi Arabia, ayon kay Consul General Edgar Badajos.

Sinabi ni Badajos, nangyari ang aksidente sa huling araw ng banal na buwan ng Ramadan sa Jizan sa western region ng Saudi Arabia.

“Itong mga kababayan natin ay lumabas para bumili ng pagkain dahil nga end ng Ramadan ay preparation para sa kanilang Eid Festival. Pero sa kasamaang palad, on their way to the grocery, ang sasakyan nila ay sinalpok ng isang GMC van,” ani Badajos.

Aniya, ang lahat ng biktima ay pawang Muslim converts.

Ang isa sa biktima ay namatay noon din habang sa ospital binawian ng buhay ang isa.

Ang GMC van ay sinasabing minamaneho ng isang Saudi national.

“Kung may kasalanan ang driver ng GMC, of course, meron ‘yang kaso. Maaari nating habulin. Isang tulong natin sa mga namatayan at mga na-injured ay ang pagtulong sa kaso na isasampa sa driver,” anang opisyal.

Tiniyak niya sa pamilya ng mga biktima na tutulong ang pamahalaan. (Remate News Team)