Aksyon vs ‘destabilizing activities’ sa PH waters, tinalakay ng US, Pinas

Aksyon vs ‘destabilizing activities’ sa PH waters, tinalakay ng US, Pinas

February 3, 2023 @ 10:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinalakay ng Manila at Washington ang  konkretong aksyon para tugunan ang “destabilizing activities” sa Philippine waters.

“We discussed concrete actions to address destabilizing activities in the waters surrounding the Philippines including the West Philippine Sea,”  ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III.

“And we remain committed to strengthening our mutual capacities to resist armed attack,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, pinagtibay nila ng kanyang Filipino counterpart  na si Carlito Galvez Jr. ang kanilang  ‘commitment’ sa ilalim ng  decades-old Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

“We note the Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on either of our armed forces, public vessels, or aircraft anywhere in the South China Sea or the West Philippine Sea,” paliwanag ni Austin.

Ang Estados Unidos ay magkakaroon na ng “wide access” sa  military camps sa Pilipinas matapos na pumayag ang Maynila na magtalaga ng apat pang  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites – karagdagan sa orihinal na lima.

Nangako rin ang Washington na tutulong para i-modernize ang Philippine military.

Winika ni Austin na ang pagsisikap na ito ay “especially important” habang ang China “continues to advance its illegitimate claims” sa  West Philippine Sea. Kris Jose