Aktibong COVID cases sa Maynila, 95 na lang!

Aktibong COVID cases sa Maynila, 95 na lang!

December 9, 2021 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila makaraang makapagtala ang Manila Health Department (MHD) ng pinakamababang bilang ngayong araw.

Batay sa datos ng MHD, nasa 95 na lamang ang aktibong kaso sa Maynila.

Sa nasabing bilang,  14 dito ang naitala sa Sampaloc at 13 naman sa Sta. Cruz.

Wala nang naitalang COVID-19 cases sa  area ng Intramuros at San Miguel.

Sa kabuuan, 8 porsyento na lamang ang okupadong kapasidad ng COVID beds sa anim na district hospital sa Maynila.

Ang Ospital ng Tondo ang may pinakamataas na kapasidad na umaabot sa 44 porsyento habang ang iba ay mababa na ang bilang ng kanilang mga pasyente na may covid.

Ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta ay 4 porsyento na lamang ang okupado o 14 na kama ang may pasyente sa kabuuang bilang na 344.

Habang “zero” COVID patient ang lahat ng quarantine facility sa lungsod ng Maynila.

Sa kabila nito ay patuloy na nananawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa publiko partikular na sa Maynila na manatiling sumunod sa umiiral na health protocols lalo na ang pagsusuot ng facemask. JR Reyes