Aktibong COVID cases sa Pinas sumampa sa 23,703

Aktibong COVID cases sa Pinas sumampa sa 23,703

September 3, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay umakyat sa 23,703 noong Biyernes kasunod ng anim na magkakasunod na araw ng pagbaba ng bilang, sinabi ng Department of Health (DOH).

Ang pinakahuling bilang ay 1,444 higit pa sa 22,259 aktibong tally na naitala noong Huwebes.

Ang mga bagong kaso na naiulat ay umabot sa 2,452, na nagtulak sa bilang ng bansa sa 3,886,395.

Sinabi ng DOH na ang National Capital Region (NCR) ang nanguna sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 10,183, sinundan ng Calabarzon na may 4,887, Central Luzon na may 3,370, Western Visayas na may 1,694, at Davao Region na may 1,446.

Ang bilang ng mga indibidwal na gumaling mula sa sakit noong Biyernes ay nasa 948, ang pinakamababang bilang sa loob ng 49 na araw o mula noong Hulyo 15 ay 742 na bagong gumaling.

Nasa 3,800,782 naman ang kabuuang recoveries.

Sinabi ng DOH na hindi bababa sa 46 na bagong nasawi ang naiulat na nagdala ng bilang ng mga nasawi sa bansa sa 61,910. Ito na ang ika-11 sunod na araw ng hindi bababa sa 40 bagong pagkamatay.

Nasa 8,049 kama naman ang okupado habang 20,924 ang bakante habang ang bed occupancy sa bansa ay nanatiling nasa 27.8 percent hanggang nitong Agosto 31.

Kabuuang 19,286 indibidwal naman ang nasuri na positibo habang 327 testing labs ang nagsumite ng datos hanggang Setyembre 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden