Aktibong COVID sa Pinas umakyat sa higit 33K

Aktibong COVID sa Pinas umakyat sa higit 33K

July 31, 2022 @ 8:51 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado ng 3,996 na bagong impeksyon sa COVID-19, kaya umabot na sa 3,772,468 ang nationwide tally.

Gayundin, ang mga aktibong kaso ay umakyat sa 33,509 mula sa 32,673 noong Biyernes, ayon sa pinakabagong mga numero ng DOH.

Sa National Capital Region (NCR), nakapagtala ng 13,837 bagong kaso sa nagdaang dalawang linggo na sinundan ng Calabarzon na may 9,069, Central Luzon na may 4,273 habang 2,482 sa Western Visayas at 1,725 sa Central Visayas .

Nakapagtala rin ang DOH ng isang bagong nasawi na nagdagdag ng bilang ng nasawi sa 60,719.

Gayundin, tumaas din ang recovery tally ng bansa sa 3,678,240 kung saan 3,121 pang pasyente ang tinamaan ng virus .

Nakapagtala rin ang DOH ng isang bagong namatay na karagdagang sa kabuuang namatay na 60,719.

Nasa 7,862 naman ang naukupahang kama habang 21,054 ang bakante kung saan ang bed occupancy sa bansa ay nanatili sa 27.2% hanggang nitong Hulyo 28.

Ayon pa sa DOH, nasa 22,456 indibidwal ang nasuri habang 322 testing laboratories ang nakapagsumite ng kanilang datos hanggang nitong Hulyo 29. Jocelyn Tabangcura-Domenden