Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pinas, bumaba pa sa 4,305

Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pinas, bumaba pa sa 4,305

May 8, 2022 @ 10:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 175 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Mayo 7.

Dahil dito, umakyat na sa 3,686,868 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Nanguna ang National Capital Region (NCR) sa nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo na aabot sa 1,046; sinundan ng CALABARZON, 325 at Central Luzon na mayroong 236.

Samantala, sa kabuuang bilang, nasa 4,305 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 387 na bagong gumaling sa sakit para sa kabuuang 3,622,124 na total recoveries.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa sakit kaya nananatili sa 60,439 ang total COVID-19 related deaths sa bansa. RNT/ JCM