Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pinas sumampa sa 12K

Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pinas sumampa sa 12K

July 9, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumalo na ang aktibong COVID-19 cases sa Pilipinas sa 12,528 nitong Biyernes– pinakamataas na naiulat na bilang mula Abril 2022.

Batay sa Department of Health (DOH), 1,712 bagong coronavirus infections ang naitala sa bansa.

Dahil dito, sumampa na sa 3,714,770 ang naitalang kaso ng COVID-19.

Pumalo naman sa 3,641,603 ang bilang ng mga gumaling habang 60,639 na ang nasawi. 

Nakapagtala naman ng 20.5 porsyentong bed occupancy rate sa bansa. Nangangahulugan ito na sa 29,046 hospital bed sa bansa, 5,948 ang okupado habang 23,098 ang bakante. RNT/SA