AKTOR Inc. Chairman Dingdong, pumirma ng MOA sa Mowelfund!

AKTOR Inc. Chairman Dingdong, pumirma ng MOA sa Mowelfund!

March 27, 2022 @ 4:45 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Pumirma na si AKTOR, Inc. Chairman Dingdong Dantes ng Memorandum of Agreement (MOA) kay Mowelfund. Inc. President and CEO Rez Cortez bilang pagbubuklod ng dalawang grupo. Magiging platinum member na ang grupong AKTOR Inc. ni Dingdong, ng Mowelfund.

Sa speech ni Dingdong pagkatapos ng pirmahan, sinabi niya na nakikita niya ang nagagawa ng Mowelfund para sa manggagawa ng pelikula at telebisyon, lalo na sa welfare care. Gayundin sa ikauunlad ng craft ng bawat isang manggagawa.

Nabanggit ni Dingdong sa talumpati niya ang kahalagahan ng health care sa bawat isa.

Tulad ng nangyari sa kanyang 103 years old na lola. Nahulog ang grandmother niya sa kama. Nagkagulo ang buong angkan kung saang ospital dadalhin.

Hanggang naisip nilang dalhin ito sa isang government hospital para sa military, ang Veterans Memorial Medical Center  o V. Luna Hospital. Isang World War II veteran ang grandfather ni Dingdong kaya automatic na ang lola niya ay libre ang serbisyo sa ospital.

Ang findings ng doctor, may fractured pelvic bone ang Lola.

Ani Dingdong: “Pagpasok pa lang namin sa Veterans Hospital, nang nalaman ang kalagayan ng patient, dinala agad sa room. Tapos, ginawa na lahat ng government doctors ang lahat ng lunas.

“Naisip Ko tuloy, sana all ganito ang serbisyo.”

Kaya ganito ka-pursigido si Dingdong na magkaroon ng ganitong serbisyo ang movie workers.

May  2020 ‘yun nang nabuo ang grupo at si Dingdong ang nahirang na chairman ng asosasyon.

Saksi sa MOA signing ang chairman at Mowelfund Board of Trustees na si Boots Anson Roa-Rodrigo at iba pang opisyales. Noel Asinas