Aktor na mukhang malinis tingnan, amoy daga ang paa!

Aktor na mukhang malinis tingnan, amoy daga ang paa!

February 9, 2022 @ 9:00 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi ako makapaniwala sa nakarating sa akin na itong isang gwapong hunk actor na mukhang laging malinis tingnan at mukhang laging amoy bagong paligo ay mabaho pala ang paa.

Yes!

Ayon sa aking reliable source, kapag naghuhubad daw ng sapatos itong si hunk actor pagdating sa bahay mula sa kanyang showbiz commitments ay umaalingasaw umano ang paa. Pati nga raw ang misis nito ay nati-turn off na tuloy sa kanya.

Hindi na raw nito masikmura ang mabahong amoy ng paa ng asawa. Kaya sinasabihan na niya ito na gumamit ng foot deodorant.

Kilala niyo ba siya? Rommel Placente