Aktuwal na bilang ng COVID case pwedeng mas mataas pa sa naitatalang tally – DOH

Aktuwal na bilang ng COVID case pwedeng mas mataas pa sa naitatalang tally – DOH

January 13, 2022 @ 12:23 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Posibleng mas mataas pa ang aktuwal na bilang kaysa sa mga naitatalang COVID case sa bansa, batay sa Department of Health (DOH) said.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa kasama sa daily reported case ang mga nagpopositibo sa antigen testing na ginagamit ngayon ng karamiham.

“Itong antigen tests na ito ay hindi pa naisasama sa ating talaan ng reported cases. That’s why we’re saying na baka mas marami pa ‘yung mga may infection kaysa doon sa nairereport,” lahad ni Vergeire sa panayam.

Mas marami rin aniya na ayaw magpa-test at pinipiling mag-isolate na lamang.

Paliwanag naman ng opisyal, ang antigen testing ay maaari lamang gamitin sa ‘specific settings.’

“Kaya hindi natin basta basta isinasama sa talaan, kailangan vinavalidate pa ng national government,” ani Vergeire. RNT/FGDC