83 PATAY SA TUNAY NA BOMBA; ANG BOMB JOKE

February 1, 2023 @2:00 PM
Views: 27
NAPAKARAMING nasawi habang nagdarasal sa mosque sa Peshawar, Pakistan na binomba ng hindi pa umaaming grupo.
May umamin na, isang opisyal ng Pakistani Taliban, ngunit agad na pinabulaan ito ng mas mataas na opisyal ng nasabing rebeldeng grupo sa nasabing bansa.
Karamihan sa mga biktima ang pulis dahil nasa loob ng police headquarter ang mosque.
Dito rin matatagpuan ang mga kawanihan ng intelligence at counter-terrorism.
Ang napakalaking katanungan ng mga awtoridad, paano nakapasok ang suicide bomber na nakapakalakas na bomba ang pinasabog nito sa mosque.
Nagiba ang mosque at hanggang sa tinitipa natin ito, maaaring madaragdagan pa umano ang 87 nang patay.
MAG-INGAT SA MGA BOMBER
Hindi biro-biro ang mga bomber na maaaring mambobomba nang malayo at gamit ang mga remote control, kasama ang mga cellphone.
Grabe namang mambomba mismo ang mga suicide bomber dahil ang layunin nila, kapag nagtagumpay, grabe ang pagkakagawa, gaya ng nangyari sa Peshawar.
Hindi ba, may suicide bomber ding nagpasabog ng sarili sa dobleng pambobomba sa Jolo, Sulu noong Agosto 2020?
Nasa 15 katao, karamihan sundalo, ang napatay at umabot sa 77 ang nasugatan.
Karamihan sa mga napatay ang nakadeploy sa lugar upang magbantay makaraang bombahin din ang Jolo Cathedral na ikinamatay ng 20 at ikinasugat ng 100 iba pa.
Noong nagsisimula pa lang din ang mga Abu Sayyaf bilang alagad ng Al Qaida ni Bin Laden, binomba nila ang LRT Blumentritt noong Disyembre 30, 2000 na ikinamatay ng 22 pasahero at ikinasugat ng mahigit 100.
Anong malay nating maulit ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa mahal kong Pinas?
Ang masakit, nadadamay pati ang mga inosenteng sibilyan.
‘YANG BOMB JOKE AT BOMB THREAT
Ngayon naman, hindi lang mga iskul sa Quezon City kundi eroplano ang kamakaila’y ginawan ng bomb threat at bomb joke.
Itong bomb joke sa eroplano sa Davao nitong nagdaang araw ang pinakahuli.
Narinig si Annabelle Macose na nagbibirong may bomba sa loob ng eroplano kaya agad pinababa ang lahat ng crew at pasahero ng CEB flight 5J970 at naganap ito dakong 6:45 ng gabi.
Kasama sa mga aksyon ng mga awtoridad ang pagdakip kay Macose at hayun siya, maaaring masampahan ng kaso na may parusang 5 taong at multang P40,000 sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727 kung…
Bago nangyari ito, sunod-sunod ang mga bomb threat at bomb joke sa ilang eskwela sa sakop ni Mayor Joy Belmonte.
Itong si Elfrank Emil Kadusale, ng Barangay San Martin de Pores, QC, eh, inaresto sa paglalabas ng banta sa Facebook page ng Ponciano Bernardo High School sa Cubao.
Sabi niya, “Naglagay ako ng bomba sa elementary school. Mauubos kayo lahat diyan pagsabog nito.”
Nang maaresto ang tarantadong ito, joke lang daw iyon.
Anak ka ng putakte!
HUSTISYA PARA KAY RANARA ITODO

February 1, 2023 @1:50 PM
Views: 21
HABANG tinitipa natin ito, inaawtopsiya na ng mga awtoridad ang bangkay ni Jullebee Cabilis Ranara.
Sinasabing ni-rape, binuntis, sinagasaan ng sasakyan at sinunog sa disyerto si Ranara sa bansang Kuwait kamakailan.
Ang suspek — 17-anyos na anak ng kanyang amo na nasa kamay na ng pulisya at kasalukuyang iniimbestigahan.
Unang lumitaw na gawa ng suspek ang pagiging malupit sa biktima, batay sa komunikasyon ni Jullebee sa kanyang pamilya na narito sa Pilipinas.
Kung ano pa ang mga detalye ng mga sumbong at kung meron pang hindi ibinubunyag ng kanyang mga pamilya ni Jullebee ukol sa suspek at kanyang kalagayan noon, nasa mga awtoridad na kung paano panghawakan ang mga ito bilang ebidensya sa mga kasong pwedeng isampa laban sa suspek.
Siyempre pa, ang sistemang pangkatarungan sa Kuwait ang mamamayani kaya naman, kung positibo ang pagkakikilanlan sa suspek at mga ginawa nito ayon sa mga Kuwaiti, ‘yun ang dapat na palakasin ng mga tagausig natin na pinayagang sumali sa prosesong pangkatarungan doon.
Anomang makakalap natin na ebidensya, gaya ng matatagpuan sa awtopsya, isusumite sa mga awtoridad ng Kuwait laban sa suspek.
Ito’y para matiyak na makakamit ni Jullebee at pamilya nito ang katarungan.
Sakaling maging matagumpay ang kaso, malaking tagumpay rin ng ating pamahalaan.
At nangangahulugang dapat sumandig ang overseas Filipino workers sa ating pamahalaan para sa kanilang proteksyon at kapakanan at hindi ito pagdudahan.
Kasabay kasi ng kaso ni Jullebee, mga brad, may mga wala nang ginawa kundi siraan ang pamahalaan, kasama na ang administrasyong Marcos, at kung ano at sino ang nasa likod ng walang humpay nilang paninira, sila lang ang nakaaalam.
Subalit sa karanasan, karaniwang mga pansariling interes lamang ang dala ng mga ito at sekondaryo lang ang hustisya para sa mga biktima ng karahasan at krimen na mga OFW.
OLIVAREZ VERSUS OLIVAREZ

February 1, 2023 @1:37 PM
Views: 21
LALONG tumitindi ang sigalot at hidwaan ng magkapatid na sina Mayor Eric Olivarez at Rep. Edwin Olivarez, ang political kingpins ng lungsod ng Paranaque.
Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid sa unang araw palang ng pag-upo ni Mayor Eric noong July 1, 2022 kung saan ay pinagsisibak sa pwesto ang halos 50 kawani at department heads ng city hall.
Ang department heads na inalis sa pwesto ng alkalde ay mga permanente na sa kanilang mga departamento at halos sa kanila ay “loyal allies” ni Congressman Edwin simula nang maging alkalde ito noong 2013.
Pito sa mga department head ay naghain ng kasong illegal dismissal sa Civil Service Commission kung saan ay dinidinig pa ang mga reklamo. Pansamantalang nakabalik sa kanilang pwesto ang mga nasibak.
Disyembre noong isang taon, pinirmahan ng chief executive ng lunsgod ang kontrata sa bagong garbage contractor na Metrowaste Solid Waste Management Corp. sa halagang P414 million kaya napalayas ang dating hauler na nagsilbing siyam na taong garbage collector ng lungsod sa panahon noong alkalde pa ang mambabatas.
Ayon sa mga political ally ng mambabatas, nasaktan ito nang tanggalin ang unang garbage collector nang walang dahilan.
Nitong Lunes (Jan 30), namahagi na naman ng press release sa mga pahayagan itong city public information office patungkol sa ghost employees ng city hall na aabot ng 500 na sisibakin ng administrasyon ng alkalde.
Hindi na nakapagtimpi ang nakatatandang Olivarez dahil parang sinasabi ng kampo ng alkalde na may ghost employee noong pumasok ang una sa city hall noong naging alkalde siya sa loob ng siyam na taon.
Ibig daw bang sabihin ni Mayor Eric ay hindi niya alam na ang pinalitan niya bilang alkalde ng lunsod ay isa ring Olivarez na nag-aalaga ng “ghost employees’ sa city hall? Hindi rin daw ba alam ng alkalde na kaya siya nanalo sa halalan noong eleksyon ay dahil sa kanyang kuya na pinakikisamahan ng halos lahat ng opisyales ng barangay sa kanilang lungsod.
Kung meron kayong mga katanungan mag email lang sa [email protected] at makinig sa aking programang Todo Nationwide Talakayan 7:00 to 9:00AM every Sunday sa DWIZ 882kHz AM Band. Pwede rin kayong mag text sa 0995-132-9163.
PROBLEMA SA DROGA LUMALALA

February 1, 2023 @1:37 PM
Views: 22
MALAKING hamon ngayon sa gobyerno kung paano tugunan ang lumalalang suliranin kaugnay sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot kung saan tumataas ang bilang ng mga adik sa kalsada dahil hindi masawata ng mga otoridad.
Ito ang inamin mismo ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa publiko makaraang pangunahan nito ang paglunsad ng ‘Buhay Ingatan Droga Iwasan’ sa Camp Simeon Ola,Legaspi City noong nakaraang Biyernes na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno mula sa nasyunal at lokal na pamahalaan.
Ang BIDA ay isang adbokasiyang naglalayong matuldukan ang pagkalat ng droga sa pamamagitan nang paghikayat sa komunidad na makiisa sa mga aktibidad laban sa ipinagbabawal na gamot at pagpapaunawa sa taumbayan lalo na sa mga kabataan hinggil sa masamang epekto nito sa kalusugan na ikinasisira naman ng mga miyembro ng pamilyang nagugumon dito.
Bagaman sinabi ni Abalos na umabot na sa P10 bilyong halaga ang iba’t-ibang uri ng droga ang nakumpiska ng otoridad sa loob ng anim na buwang panunungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos subalit tila hindi matinag ang mga sindikatong nasa likod nito dahil nagmumula mismo sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang pinaniniwalaang sangkot sa bentahan at protector nito na ugat naman nang panawagan ng kalihim ng mass courtesy resignation ng mga kernel at heneral upang malinis ang hanay ng naturang mga ahensyang naatasang magtutuldok sa kalakaran.
Paano nga naman magigiba ang mga sindikato’t tulak ng droga kung ‘andyan pa rin ang tinaguriang ‘ninja cops’ mula sa PDEA at PNP na sabit sa recycling ng mga huling shabu na kanilang ipinakakalat sa kalye na mabilis namang tinatangkilik ng mga adik na natahimik noong panahon ng panunungkulan ni Tatay Digong.
Ibig sabihin,kailangan makita’t maramdaman talaga ng sambayanan na seryoso ang gobyerno na malansag ang mga sindikatong sa pamamagitan nang malawakan at makatotohanang paglulunsad ng giyera kontra droga na inumpisahan noong nakalipas na administrasyon at kumitil sa buhay ng ilang kilalang big-time pusher sa bansa.
Sabi nga ng dating PNP chief at ngayo’y senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa,kailangan ng asim at pangil ng kapulisan sa pagsawata ng iligal na droga para matakot ang mga tulak nitong minsan nang nanahimik noong panahon ni Tatay Digong.
IMMIGRATION OFFICERS NATUTULOG SA PANSITAN?

February 1, 2023 @1:37 PM
Views: 23