Akusasyon vs gov’t officials itinatwa ni Chinese tennis star Peng Shuai

Akusasyon vs gov’t officials itinatwa ni Chinese tennis star Peng Shuai

February 8, 2022 @ 12:40 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Itinatwa ni Chinese tennis player Peng Shuai na inakusahan niya ng sexual assault ang isang dating opisyal ng kanilang gobyerno.

“Wala akong inaakusahan ng sexual assault,” ani Shuai.

Matatandaang naging malaking isyu ang ginawang  social media post ni three-time Olympian noong Nobyembre kung saan inakusahan nito ng sexual assault si dating Chinese vice premier Zhang Gaoli.

Agad din namang nabura ang nasabing social media post ni Peng.

Nag-ugat ang isyu para suspendihin  ng Women’s Tennis Association ang mga torneo sa China kung saan nagdulot ito ng panawagan ng pag-iimbestiga.JC