Al Nassr tinalo ang Al Ittihad 1-0 sa debut ni Cristiano Ronaldo

Al Nassr tinalo ang Al Ittihad 1-0 sa debut ni Cristiano Ronaldo

January 23, 2023 @ 6:38 PM 2 weeks ago


ANKARA – Nagtapos ang debut game ni Cristiano Ronaldo para sa Al Nassr sa 1-0 panalo laban sa Al Ittihad noong Linggo.

Naitala ng dating Besiktas attacker na si Anderson Talisca ang winning goal para sa hosts sa ika-31 minuto sa Mrsool Park sa Riyadh.

“It’s all about the beginning,” isinulat ng club sa Twitter tungkol sa debut ni Ronaldo at nag-post ng larawan niya habang nagdiriwang kasama ang kakampi na si Talisca.

Nauna nang lumabas ang Portuguese star sa pinakahihintay na Riyadh friendly noong Huwebes nang talunin ng Paris Saint-Germain (PSG) na pinangunahan ng Messi ang Riyadh All-Star, na pinangunahan ni Ronaldo, 5-4 sa King Fahd Stadium.

Si Ronaldo, limang beses na nagwagi ng Ballon d’Or, ay naging isang free agent noong Nobyembre pagkatapos putulin ang relasyon sa Manchester United.

Naglaro ang  taong gulang para sa Sporting Lisbon, Juventus at Real Madrid at sumali sa Al-Nassr noong Enero 1.

Si Ronaldo ay limang beses na nagwagi sa UEFA Champions League, kabilang ang apat sa Real Madrid at isa sa Manchester United.

Pinangunahan niya ang Portugal sa UEFA EURO 2016 title.JC