Alab Pilipinas, pinaluhod ng Formosa

Alab Pilipinas, pinaluhod ng Formosa

March 18, 2019 @ 7:32 AM 3 years ago


Laguna – Dinaig ng Formosa ang Alab Pilipinas, 74-88, sa sarili nitong baluwarte sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, nitong Linggo para sa 2018-2019 Asean Basketball League.

Nanguna pa sa pagsisimula ng ikatlong kwarter ang Alab, 42-40, sa pinagsanib puwersa nina Back-to-back Local MVP Ray Parks Jr. at Puerto Rican powerhouse PJ Ramos.

Gayunpaman, hindi nagpapigil sina William Artino, Tevin Glass, at Malcolm Miller at nilunod ang Alab sa 21-4 na nagbigay sa Formosa ng 61-46 sa huling minuto ng kwarter.

Tanging 11 puntos lamang ang nakayanan ng Alab na mailapit sa iskor ng Formosa gayong hindi makapuntos sina Renaldo Balkman pati na sina Lo Domingo at Brandon Rosser.

Pinangunahan nina Parks, 24 points, 7 rebounds, 5 assists; at Ramos, 22 markers, 9 boards, at 2 dimes; ang labang nagbigay sa Alab ng unang pagkatalo sa sarili nilang baluwarte sa 12 magkakasunod na pagkapanalo.

Wala nang ibang Pinoy ang nakapagtala ng double-digits.

Dahil sa pagkatalo ng Alab sa Formosa, bumaba ang record ng pambato ng Pinas sa 18-7 at nasipa na rin sa pangalawang puwesto mula sa tuktok.

Pumalit sa unang puwesto ang Dreamers sa iskor na 18-6./Remate News Team