Alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT-2 mula Feb. 1

Alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT-2 mula Feb. 1

January 26, 2023 @ 4:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Simula Pebrero 1, papayagan nang isakay ang maliliit na alagang hayop sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) trains kasama ang kanilang owners.

(Larawan kuha ni Crismon Heramis)

Inanunsyo ito ni LRT Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera ngayong Huwebes, at sinabing nilalayon nito na gawing “pet-friendly” ang train system.

“Beginning Feb. 1, pwede nang magdala at magsakay ng ating mga pets sa mga station at tren ng LRT-2,” aniya sa public briefing.

Dapat na fully vaccinated, nasa loob ng carriers o cage, at nakasuot ng diapers ang mga alaga  kapag isinakay sa tren.

Tanging maliliit na pets lamang ang papayagan, ayon kay Cabrera.

Sa kasalukuyan ay namamahgai ang LRTA information materials at ipinagbibigay-alam sa security personnel ang hinggil sa bagong polisiya.

“Ang objective lang naman natin dito si gawing pet-friendly ang ating sistema,” anang LRTA official. RNT/SA