Alak hindi natiis, 5 lasenggo hinuli ng pulis

Alak hindi natiis, 5 lasenggo hinuli ng pulis

May 10, 2022 @ 6:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Limang lasenggo ang dinakip dahil sa paglabag sa liquor ban nitong nagdaang araw ng halalan sa Valenzuela City.

Dinakip ang pangkat sa Urrutia St., ng lungsod ng mga pulis na nagsasagaw ang ‘Oplan Galugad’.

Limang bote ng serbesa at isang bote ng brandy ang nakumpiska sa mga inaresto.

Maliban sa paglabag sa liquor ban ay inisyuhan din ang lima ng ordinance violation receipts (OVR) dahil sa hindi pagsusuot ng face mask. Merly Iral