Saging at itlog lang, may pancake ka na!

Saging at itlog lang, may pancake ka na!

June 19, 2018 @ 7:58 AM 4 years ago


Gawing sweet ang almusal pero panatilihing healthy pa rin ang family. Subukan ang inihanda naming recipe para sa inyong oh-so-sweet-and-yummy breakfast. Hindi lang ito mura at masustansya, easy to cook pa!

Sa saging na pancake, dalawang sangkap lang ang kailangan mo. Saging at itlog. Hindi ito magic dahil, makakagawa ka na talaga ng pancake mula sa saging. Believe it or not, narito ang paraan ng paggawa.

Sangkap:
2 malaking itlog
Isang saging

Paano ang magic?
Putulin ang binalatang saging it ilagay sa bowl. Gumamit ng pang-mash o kahit tinidor na lang para ito ay durugin hanggang sa maging malapot ito.

Batiin ang mga itlog nang magkasama ang yolks at puti. Ibuhos ang itlog sa nilamas na saging at haluin ito.

Siguruhing mainit ang kawali bago simulan ang pagluluto para hindi dumikit at masira ang pancake.

Magbuhos ng humigi-kumulang na dalawang kutsara ng saging mixture.

Hintaying maluto ang ilalim bago ito dahan-dahang baligtarin. Maaari mong i-flip ang pancakes ng ilang beses kung kailangan kung gusto mo itong tostado.
Makakapag-serve ito ng walong pancake.

Mga nutrisyong makuuha:
• Calories 31
• Fat 1.2 g (1.9%)
• Saturated 0.4 g (2%)
• Trans 0 g
• Carbs 3.5 g (1.2%)
• Fiber 0.4 g (1.5%)
• Sugars 1.9 g
• Protein 1.7 g (3.5%)
• Cholesterol 46.5 mg (15.5%)
• Sodium 17.9 mg (0.7%)