Alamin: Dapat sundin sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes

Alamin: Dapat sundin sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes

July 21, 2020 @ 6:48 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa kabila nang pagpabor ng gobyerno sa hirit na limitadong face-to-face classes sa mga eskwelahan, nilinaw naman ng Malakanyang na papayagan lamang ito sa Enero ng susunod na taon.

Nitong Lunes ng gabi nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagdaraos ng limitadong pisikal na klase sa mga lugar na low risk sa pagkalat ng COVID-19.

“Ang face-to-face classes ay pinapayagan simula sa Enero ng susunod na taon o sa 3rd quarter po of the school year,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bukod dito, naglatag din ang Department of Education ng ilan pang mga kondisyon sa pag-arangkada ng limitadong face-to-face classes:

  1. Sa low risk areas lang sa COVID-19 papayagan ang limitadong face-to-face classes

  2. Nakasalalay sa DepEd, LGUs concerned, at local health authorities ang pagpayag sa limited, localized face-to-face classes sa kanilang mga lugar.

  3. Kailangan ipatupad ang mahigpit na health standards

  4. Kailangan magsagawa ng pilot testing at inspeksyon ng National Task Force Against COVID-19 para sa pagpapatupad ng kinakailangang health standards at protocols.

Narito naman ang kinakailangang sunding health standards sa mga eskwelahang magpatutupad ng face-to-face classes:

  1. No mask, no entry policy sa school premises

  2. Hand washing at hand hygiene

  3. Regular disinfection sa school premises

  4. Pag-check sa body temperature at respiratory symptoms

  5. Pagbawas sa class size ng hanggang sa 15-20 (maximum) at ang malayong physical arrangement ng mga upuan

  6. Intermittent attendance sa eskwelahan

  7. Pagkontrol sa flow ng learners at personnel sa school entrance at exit

  8. Walang mass gatherings

  9. Dapat magkaroon ng medaling makitang instruksyon, signages, at markings

  10. Paghahanda at case management system sa pakikipagtulungan sa LGUs at local health authorities para sa contact tracing, isolation at treatment. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...