Alamin: Estado ng online gambling sa Pilipinas

Alamin: Estado ng online gambling sa Pilipinas

July 21, 2020 @ 4:36 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa pag-usad ng estado ng teknolohiya sa bansa, hindi nakapagtatakang lumolobo rin ang interes ng mga Filipino sa online activities. Mula sa mga social networking application at mga online game, nangunguna ang Pilipinas sa bilang ng users at haba ng oras na ginugugol sa online.

Isa sa mga umuusbong na industriya sa bansa ay ang online gambling.

Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang tanging ahensya na nagbibigay ng lisensya sa mga land-based casino sa bansa.

Sa ngayon, may ilang lisensyadong kompanya na rin ng online gaming ang pinahihintulutan na magkaroon ng operasyon sa bansa.

Ang mga Filipino ay maaari ring maglaro sa mga offshore online casino basta ang mga ito ay lisensyado sa kanilang mga bansa. Ang online gambling ay nagbibigay ng oportunidad sa mga Filipino na makapaglaro sa loob ng kanilang mga tahanan, lalo pa sa panahon ngayon kung kailan limitado lang ang pinahihintulutang galaw ng mga tao sa labas. Gayunpaman, mahigpit na nagpapaalala ang PAGCOR sa pag-iwas sa mga iligal na online gambling activities. Ang listahan ng pinakakilalang online casinos sa Pilipinas ay makikita sa online-casinos.com.

Ang industriya ng online gambling ay umuusad din kasabay ng teknolohiya. Ito ay para makapagbigay ng makabago at dekalidad na karanasan sa kanilang mga manlalaro.

Narito ang ilan sa mga inaabangan at tinatangkilik na serbisyo mula sa mga online casino.

  1. Augmented o Virtual Reality

Ang AR o VR technology ay karaniwang ginagamit sa mga video game upang magkaroon ng makatotohanang karanasan ang mga manlalaro. Gamit ito, ang mga online gamer ay mistulang nasa aktwal na casino. Makakakita sila ang mga totoong kagamitan kagaya ng slot machines. Makasasalamuha rin sila ng ibang mga manlalaro sa loob ng kanilang virtual reality.

Sa ngayon, ang paggamit ng AR/VR sa mga online casino ay pinag-aaralan pa lamang kaya’t hindi pa ito gaanong laganap. Subalit maaari itong asahan ng mga manlalaro sa padating na panahon.

  1. Blockchain

Nagsimulang sumikat ang blockchain at cryptocurrency ilang taon na ang nakararaan. Bagama’t hindi nito napalitan ang tradisyonal na credit at debit card transactions sa ibang mga industriya, ang blockchain ay naging magandang solusyon sa mga pinansyal na transaction sa mga online casino. Ito ay mas madali at mas mabilis gamitin kung ikukumpara sa banko. Hinahayaan din nitong makapag-deposit at makapag-withdraw ang mga manlalaro kahit sa malaking halaga. Gayundin, naitatago nito ang mga sensitibong impormasyon kagaya ng pangalan.

  1. Mas pinagandang graphics

Sa mga nakalipas na panahon, hindi naging prayoridad ng mga online casino ang graphics sa kanilang mga laro. Ito ay dahil higit sa itsura ay mas mahalaga sa mga manlalaro ang manalo. Ngunit sa pag-usad ng teknolohiya ay kasabay rin ang pagbabago ng interes ng mga tao. Sa ngayon, mahalaga na rin ang graphics sa mga online casino kaya naman higit itong pinagaganda ng mga software developer. Ito ay para rin makahikayat ng mas batang henerasyon ng manlalaro na sanay sa graphics ng mga video game at smart phone. Gayundin, ang ibang online casinos ay nagdaragdag na rin ng iba pang features kagaya ng leaderboard, power-ups, tournaments at iba pa.

  1. Pinadaling pagbubukas ng casino

Bago makapagsimula ng operasyon ang mga tradisyonal na casino ay kailangan muna nilang humanap ng lugar, bumili ng mga slot machine at gaming table, mag-ayos ng lugar at mag-asikaso ng maraming mga papeles. Dahil sa teknolohiya, lahat ng mga prosesong ito ay ‘di hamak na mas madali. Ngayon, maaari ng makapaglagay ng maraming laro sa websites ng online casinos ng walang binibitawang malaking kapital. Bukod sa pagpapamura at pagpapabilis ng pagbubukas ng casino, pinababa rin nito ang posibilidad ng pagkalugi nang malaki.

  1. Data Analytics

Dahil ang online casinos ay gumagamit ng gadgets at Internet, mas madaling makakuha ng impormasyon mula sa mga manlalaro. Ang mga impormasyong ito ay magagamit upang pag-aralan ang kilos at pag-uugali ng mga manlalaro. Gayundin, sa pamamagitan ng data analytics, mas maisasaayos ng online casinos ang kanilang mga laro para makapaghatid ng mas magandang serbisyo.

  1. Live Dealer

Isa sa mga binabalik-balikan ng mga manlalaro ay ang atmosphere sa mga tradisyonal na casino. Kasama na rito ang interaksyon nila sa mga dealer ng casino. Gamit ang makabagong teknolohiya, ang mga online casino ay mayroon na ring live dealers para sa kanilang mga laro. Ang mga aktwal na ginagawa ng mga dealer sa totoong casino ay nakikita ng mga manlalaro na nasa kanilang bahay lamang. Kung minsan, maaari ring makausap ng mga manlalaro ang mga dealer sa pamamagitan ng live chat.

  1. Esports Betting

Ang pagtaya sa esports ay kaparehas din ng proseso ng pagtaya sa mga tradisyonal na laro. Ang pinagkaiba lamang ito ay karaniwang ginagawa sa mga online game at ang pagtaya ay maaaring gawin kahit nasa bahay lamang.

Ang online casinos ay magandang libangan dahil dinadala nito ang mga laro sa loob mismo ng iyong bahay. Dahil sa patuloy na pagpapaganda ng sistema ng mga online casino, inaasahang patuloy pa ring darami ang tatangkilik sa industriyang ito sa mga susunod na panahon. Gayunpaman, ang mga Filipino ay dapat manatiling mapanuri sa ligalidad ng kanilang sinasalihan upang makaiwas sa problema. Bisitahin ang PAGCOR para sa karagdagang impormasyon.


  •  
  •  
  •