Alamin: Face mask to the next level na rin!

Alamin: Face mask to the next level na rin!

July 31, 2020 @ 7:38 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dahil nga ang face masks ay bahagi na ng “new normal” sa kasalukuyan, ang ilan ay handang gumastos ng malaki para sa mga espesyal nitong uri.

Pero tandaan, may mga uri ng face mask na naka desenyo para sa iba’t ibang gamit kaya mas maiging alam ng lahat kung papaano ito nakakabawas sa pagkahawa ng COVID-19.

Narito ang limang uri ng next-level face masks na ipinaliwanag ng ekspertong si Dr. Gerald Belandres.

1. Self-priming transparent face mask – ang mask na ito ay idinisenyo para sa mga pipi at bingi sa kanilang komunikasyon. Kaya transparent ang mask na ito ay para makita rin ang buka ng bibig ng mga nag-uusap. Sa kabila nito, nilinaw na hindi ito para sa lahat dahil maaari pa ring pumasok ang mga maliliit na particle dito at maaari ring makabuo ng droplets dahil sa fog mula sa hininga.

2. Copper face mask – ayon sa eksperto, kilala ang copper sa pagpatay sa mga microbes. Magaan din ito at may strap na tumutulong dito para hindi maalis agad sa muka.

3. Abaca face mask – nakakatulong naman ang abaka sa pagsasala ng hanging kumpasa sa cloth masks. Maliban dito, magaan din ang nasabing mask, organic at mas mataas ang water-repellent kumpara sa mga karaniwang mask.

4. Water repellent face mask – sa pamamgitan ng mask na ito, hindi mo na kailangang mag-alala sa malalaking patak ng tubig. May mga sleeves din ito kung saaan pwede pag madagdagan ang mga filters dito.

5. Motor face mask – ang mask na ito ay hindi lamang tinatakpan ang muka, kundi pati na rin ang leeg at likod ng ulo. Sa kabila ng pagiging ideal nito para sa mga nagmo-motor, pinapayuhan pa rin ang mga ito na gumamit ng angkop na face mask kontra COVID-19

Nakakatuwa ang pagiging malikhain ng mga Pinoy pero sa kabila nito ay dapat panatilihin pa rin ng lahat ang kaligtasan laban sa kinakaharap na pandemya ng buong mundo. RNT/LF

Comments (2)

  • Cherrie rose arocena Reply

    Tama kylangn tlga ng mg mask

    August 1, 2020 at 4:42 pm
  • Cherrie rose arocena Reply

    Mask is a must to protect our self from virus

    August 1, 2020 at 4:44 pm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...